^

PSN Showbiz

Alessandra hindi kapani-paniwalang mauubusan ng datung

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alessandra hindi kapani-paniwalang mauubusan ng datung
Alex
STAR/ File

‘Kaloka ‘yung sinabi ni Alex de Rossi na P18K na lang ang pera niya sa ATM.

Hindi kaya nagkamali, baka P180K pala, Salve?

Kasi paano naman magiging P18K na lang ang pera ng isang Alex de Rossi na marami namang nagawang pelikula at TV series?

Maliban na lang kung nagkagasta-gasta siya nang malaki at nasimot ang pera niya.

Kasi hindi naman kataka-taka lalo pa nga ngayon na walang pumapasok na income dahil sa stop ang mga taping at shooting, at kung malaki ang cost of living mo, tiyak nga masisimot ka.

Pero saan ka dadalhin ngayon ng P18K?

Grabe ha, pambayad ng ilaw, tubig, cable, telepono, gas at pagkain, hanggang saan iyan?

Baka nga P180K medyo malayu-layo pa ang mapupuntahan, pero P18K, naku mahirap ha!

Or baka naman sa isang ATM lang ‘yun at maraming laman ang iba niyang account?

Fairy tale wedding nina Hayden at Vicki, parang kailan lang

Parang kailan lang, Salve, ‘yung September 2 natin sa Paris sa wedding nina Dr. Hayden Kho at Dra. Vicki Belo. It was one experience na mahirap kalimutan dahil nga bihirang mangyari sa buhay natin.

Exciting dahil isa itong event na talaga namang unforgettable. Isang love story na sabi nga ni Lucy Torres-Gomez, parang fairy tale.

Ang wedding nina Hayden at Vicki ang talagang patunay na true love conquers all, na ang pag-ibig kahit anong panahon ay siya pa rin talagang magbibigay daan for happiness.

Happy anniversary, Dr. Hayden at Dra. Vicki, continue to be happy especially now with Scarlet around.

True love talaga.

Positive attitude...

Grabe ha, start na ng Ber months, wala nang atrasan ang Pasko, hah hah.

Sure ako na ang daming mga magiging pagbabago.

Ang pinaka-exciting pa naman na month sa atin, ang start ng Ber months.

Dati lahat ay looking forward sa masaya at cele­bratory month ng December, pero I think the best way now is to have a positive attitude.

Now pa lang ikabit na natin ang Christmas lights, itayo na ang Christmas tree, gawing festive ang mood ng lahat.

That is the only way to fight off ‘yung negative air. If we think happy, all around us is happy.

Who cares about coronavirus, lahat naman nagkakasakit pag naging pabaya. Lahat naman umaalis sa mundo sa takdang panahon, so throw away the anxious feelings, toss it away, be merry and gay, huwag patalo noh!

vuukle comment

ALEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with