McCoy, naniniwalang may 4M si Nikko
McCoy de Leon

McCoy, naniniwalang may 4M si Nikko

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - August 31, 2020 - 12:00am

Nabalitaan ni McCoy de Leon ang tungkol sa investment scam na umano’y nagtangay ng apat na milyong piso ni Nikko Natividad. Ayon kay McCoy ay hindi pa niya nakakausap ang kaibigan at kasamahan sa Hashtags tungkol dito.

“Hindi ko siya directly na kinumusta, pero alam naman niya na concern ako. Kasi alam ko ‘yung pakiramdam, ‘pag lalo mong kinumusta ‘yon baka lalo siyang ma-down, kilala ko kasi ‘yon. Last na usap namin meron akong tinatanong sa kanya about something. Pero nabalitaan ko nga ‘yung nangyari sa kanya. Nakakalungkot siyempre, kasi kilala ko ‘yung taong ‘yon eh,” pahayag ni McCoy.

Mayroong ilang mga kumuwestiyon kung posible nga bang may ganoong kalaking pera si Nikko. Malaki naman ang tiwala at naniniwala si McCoy na mayroon talagang kakayahan si Nikko na kumita ng malaking halaga.

“Napakasipag no’n eh. Sa Hashtags isa siya sa pinakamasipag. Kung meron man siyang hawak na gano’n kalaking pera hindi ako magtataka kasi alam kong meron siyang pamilya. Meron siyang anak na binubuhay kaya alam kong may kakayahan siyang makaipon nang gano’n. Maloko lang ‘yon pero sobrang seryoso no’n sa pamilya at sobrang galing no’n sa paghawak ng pera. Matipid ‘yon at gusto niya talagang nakakaipon,” pagbabahagi ng binata.

Samantala, umalis na si McCoy sa pangangalaga ng Star Magic at nakalipat na sa Viva Artists Agency. Hindi pa raw alam ng aktor sa ngayon kung magkakaroon siyang muli ng katambal sa mga gagawing proyekto.

“Gusto ko lang talagang maging aktor at kapag aktor ka hindi ka naman dapat mamili. Kung anong ibigay sa ‘yo dapat ‘yon ‘yung pagtatrababuhan mo,” makahulugang pahayag niya.

Buwisit sa COVID Sharon, naudlot ang pagbili ng castle!

Matagal nang pinapangarap ni Sharon Cuneta na makabili o makapagpundar ng isang palasyo sa Europe. Ayon sa Megastar ay mukhang mauudlot ang kanyang planong ito dahil hindi natuloy ang mga proyektong gagawin dapat ngayong taon dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.

“Eto noon pa ang pangarap ko. Totoong for sale ang mga ito sa Europe. Kasi ilang taon ko nang joke sa mga anak ko na pag may mga anak na sila, kikidnapin ko ang mga apo ko at kami na lang ang magkakasama! Di malalaman ng mga anak ko saan ang castle namin! Hahaha! Sa ngayon, pangarap lang. Mahal eh! buisit talaga na COVID ito. Kung natuloy lang lahat ng trabaho ko sa 2020 may chance pa sana. Eh papagawa pa kami bahay dito sa ngayon. Kundi lang sa mga anak ko wala na akong bahay dito condo na lang. haaayy… Love nila ang Westgrove eh. Para naman di sila aalis at mag-aaral sa ibang bansa. Tapos mag-aasawa. Humanda sila. Kikidnapin ko lahat ng apo ko! Si Miguel lang kasabwat ko sa lahat eh. Kahit san ko gusto pumunta sasama daw siya. Hahaha! My baby boy,” post ni Sharon sa kanyang Instagram account. Reports from JCC

MCCOY DE LEON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with