Sarah at Matteo nagpaliwanag sa mahal na singil sa kuryente
Sarah at Matteo
STAR/ File
Sarah at Matteo nagpaliwanag sa mahal na singil sa kuryente
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - August 10, 2020 - 12:00am

Wow, maraming kinilig sa unang endorsement ng mag-asawang Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli nang mapanood sa TV.

First time kasi ng bagong kasal na magkasama para sa isang proyekto na ikinatuwa at ikinakilig talaga ng fans.

Meralco ang kumpanya na unang napapayag ng mag-asawa na hindi naman nakapagtataka dahil maganda ang advocacy nila - ang ipaliwanag ang electricity bills noong mga buwan ng lockdown.

Kaya naman ilang oras pa lang matapos i-release ang nasabing TV ads, nag-trending na agad ang #AshMattforMeralco sa Twitter. Na hindi na bago kay Sarah dahil sa sipag ng fans niyang mag-tweet.

Anyway, lahat ay naka-relate sa naging tema ng TV ads nina Sarah at Matteo na sa umpisa pa lang ay sinabi nila ang sitwasyon bilang bagong mag-asawa kung saan unti-unti pa lang daw silang natututo sa pagpapatakbo ng bahay nila.

Ayon sa bagong mag-asawa, katulad ng ibang customers ng Meralco ay nagulat din sila sa laki ng bills nitong lockdown, pero kapag inaral naman at naging bukas ang isipan, madali naman daw maintindihan.

Dito na inexplain nina Sarah at Matteo ang detalye ng naging proseso ng pag-compute ng bills.

Inamin nilang hindi kasi nakapag-reading noong March at April dahil sa lockdown kaya naman estima­ted lang ang naunang pinadalang bills. Pero ang payo nila, kung hindi ito nabayaran ay pwedeng itabi na lang muna ito dahil nakapag-reading na nu’ng May at June kaya actual consumption na ang naka-reflect sa bills.

Bakit tumaas ang bills noong May at ‘yung iba naman ay June? Dahil sa mga buwan na ito nag-umpisa na muli magbasa ng metro, at dito na naka-reflect ang actual na consumed sa mga buwan ng lockdown ayon sa kampanya nina Sarah and Matteo.

Dagdag pa rito, 24/7 ang mga tao sa bahay dahil nga bawal lumabas kaya lahat ay gumagamit na appliances at nataon pa sa panahon ng summer kaya hindi nakapagtataka na tumaas talaga ang bayarin sa kuryente na inaangal nga ng marami.

Pero ayon nga sa mag-asawa, walang dapat ipag-alala dahil ang kinonsumo lang ang babayaran, walang sobra.

Kung meron anilang mga na-overestimate na nakapagbayad, pwede itong i-refund o i-credit sa susunod na bill.

Relate din daw sina Sarah at Matteo na hindi madaling bayaran ang tumaas na bill ng kuryente dahil sa sitwasyon kung kaya naman in-explain din nila na pwede itong hulug-hulugan mula apat hanggang anim na buwan.

Siniguro rin nila na walang disconnection ng serbisyo ng Meralco hanggang katapusan ng Set­yembre 2020 para naman mabigyan ng panahon ang consumers na mag-adjust sa budget.

Well, positibo ang naging reaction ng netizens sa paliwanag nila tungkol sa bills. Though meron din namang nag-react negatively dahil bakit daw kailangang i-justify nila Sarah ang mahal na bayarin ng kuryente.

Oo sila raw ok ‘yun pero paano naman daw ang mga nagdurusa ngayon sa coronavirus pandemic at nawalan ng trabaho.

Pero mas marami naman ang nagsabing nakatulong ang kampanya nila para malinawan ang consumers.

“Malaking tulong ito para mas maintindihan at lumawak ang pang-unawa ng mga tao tungkol sa kanilang bills,” sabi ng isang popster. “Kuha ko na kahit na nakaka-bill shock. Kung uunahin kong intindihin at unawain, less stress ‘di ba?”, ayon pa sa isang komento.

Bukod sa pagpapa-unawa, pinakilig pa ng AshMatt ang mga sumusubaybay sa kanila dahil sa may lambi­ngan at yakapan pa sila sa tatlong ads na ito ng Meralco.

Bongga ang bagong kasal wala man silang regular show ngayon, ang dami naman endorsement.

Kagagaling lang sa honeymoon ng mag-asawa sa Palawan.

SARAH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with