^

PSN Showbiz

Michael V. ayaw nang manisi

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Michael V. ayaw nang manisi
Michael V.
STAR/ File

Ang sabi ng Malacañang, hindi raw totoong ang bansang Pilipinas na ang nangu­nguna sa South Asia pagda­ting sa rami ng kaso ng COVID-19.

Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, mas mataas lang daw talaga ang testing capacity ng Pilipinas kung ikukumpara sa Indonesia, kaya marami ang nakukuhang record na nag-positive sa COVID-19.

Unlike Indonesia, na hindi ganun karami ang testing kaya marami raw positive cases na umiikot sa kanila.

Iyon lang sana ang gustong iparating ng iilan na sa halip na i-entertain ang ganitong balita, mas mabuting doon na raw tayo sa positibong bagay para kahit paano nakakagaan pa ito sa pinagdaanan natin ngayon.

Lalo na sa mga taong nagka-COVID, mas mabu­ting maging positibo na lang daw ang pananaw sa buhay para bawas stress at kayang harapin ang pinagdaanang sakit.

Malaking bagay daw iyun para napabilis ang paggaling tulad ni Bitoy na hinihintay na lang ang resulta ang susunod niyang tests. Pero malaking realization daw ito sa kanya, at isa nga sa napagtanto niya ay mas isipin ang mga positibong pananaw sa buhay.

Ayaw na raw niyang sisihin ang gobyerno sa pagrami ng mga kaso ng COVID-19. Mas mabuting makipagtulungan na lang daw sana tayo sa mga nanungkulan para malagpasan natin ito at maging magaan na rin sa lahat.

Ani Bitoy :“Ako, hindi ako political na tao eh. Kaya mai­ngat ako sa pagsasalita at pagpu-post ng kung anu-ano.

“I don’t think na walang ginagawa ang gobyerno. Malaki din ang responsibilidad ng lahat ng mga mamamayan, ng lipunan.

“So, I think imbes na magturuan, magsisihan, pare-pareho lang naman tayo na gumawa ng paraan. Kung kaya naman natin, tayo na lang mga citizens ang gumawa. Gawin na lang natin ‘yung kaya natin kasi nandiyan naman ‘yung impormasyon para magawa natin ng tama yung mga kailangan nating gawin.

“Panahon ng pandemya tingin ko hindi panahon ng sisihan eh. Kundi pagtutulungan. Kung tingin n’yo hindi tama ‘yung ginagawa ng mga taong nakaupo, eh ipagdasal n’yo na lang sila at gawin n’yo ang tama,” saad ni Michael V.

Birthday prank ni Jak benta sa YT

Isang bagong airpod ang birthday gift ni Jak Roberto sa girlfriend niyang si Barbie Forteza na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong nakaraang linggo.

Pero bago niya iyun ibinigay kay Barbie, dumaan muna sa prank si Barbie na na-feature sa vlog ng Kapuso hunk.

Close na rin kasi si Jak sa pamilya ni Barbie at sa mga kasama nito sa bahay kaya kakutsaba niya ang mga ito para i-prank ang bida ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Sinadya ni Jak na huwag batiin si Barbie noong pagpatak ng 12:01 ng madaling-araw na mismong kaarawan ng aktres.

Hanggang sa pumunta siya sa bahay nito kinahapunan, deadma lang siya at kung anu-ano ang mga kinukuwento nito sa Mommy at mga kasamahan ng girlfriend sa bahay.

Maya-maya nagpaalam na si Jak na ipapa-carwash daw muna ang kotse niya dahil nadumihan ng ibon.

Sabi sa kanya ni Barbie, umuwi na lang ito pagkatapos magpa-carwash at huwag nang bumalik. Baka mabasa pa raw ang kotse niya na bagong carwash.

Halatang iritable na si Barbie kaya tuwang-tuwa naman si Jak na umepek ang prank niya sa girlfriend.

Panalo ang prank na iyon ni Jak dahil mahigit 2 million views na ito sa kanyang You Tube channel.

Tuwang-tuwa naman si Barbie sa airpod na iniregalo sa kanya dahil nasira na raw ‘yung dating gamit niya sa mga Zoom meeting.

One true… ni Alden, babalik

Star-studded episode ang All-Out Sundays: The Stay Home Party ngayong 12:45 para ipagdiwang ang 15th anniversary ng GMA Pinoy TV.

Ilan sa makikisaya ay sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Lovi Poe at Ai Ai de las Alas.

May bagong pakulo rin ang mga regular na sina Julie Anne San Jose, Paolo Contis, Ken Chan, Rita Daniela, Boobay, Rayver Cruz, Ruru Madrid, Jak Roberto, Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, Mavy Legaspi, kasama ang special guest nilang si Kisses Delavin.

May world-class performances mula kina Arnel Pineda, Aicelle Santos at Lani Misalucha.

Pangungunahan naman ni Alden Richards ang pamimigay ng papremyo.

Mapapanood uli ang karakter niyang si Tisoy sa replay ng One True Love kasama si Louise delos Reyes na magsisimula bukas, August 10 pagkatapos ng Stairway to Heaven. Kaya araw-araw na talagang napapanood ang Asia’s Multimedia Star Alden Richards.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with