^

PSN Showbiz

Derek at Andrea, naghahanda na sa future

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Derek at Andrea, naghahanda na sa future
Derek at Andrea

May business na bago pala sina Derek Ramsay at Andrea Torres.

Special face mask na merong fan sa loob para merong hangin at hindi nahihirapang huminga ang may gamit nito.

Bongga ha, habang naka-mask ka ay may hangin sa loob.

Sabi nga ni Derek, ito ang pinakamabuting gamitin dahil mas magaan para sa gumagamit na madalas uncomfortable na parang feeling nila ay hindi makahinga pag may suot na mask.

Bongga sina Derek at Andrea ha, may business venture na together kaya para na ring Mr. and Mrs. ang peg, cute, paghahanda sa future.

Buy nga ako, tingnan ko kung may electric fan sa loob, hah hah, next time, aircon naman ilalagay, hah hah. 

Mark Anthony, nakakahinayang

‘Yung balita na nakikitira si Mark Anthony Fernandez sa bahay ng isang kaibigan ay matagal nang balita na at hindi na bago.

Noon pa man, talagang parang walang direksiyon ang takbo ng buhay ni Mark Anthony. Mabuti kung buhay pa si Rudy Fernandez at nababan­tayan siya, pero ngayon na wala na ang ama at mukhang hindi naman sumusunod kay Alma Moreno kaya med­yo mas mahirap na ang takbo ng buhay niya.

Sayang si Mark dahil isa siyang mahusay na artista.

Sayang dahil isang sumisikat na young star ang anak niyang si Grae Fernandez.

Sayang dahil bago namatay si Rudy, akala niya mahusay na ang kinalalagyan ni Mark Anthony.

Ipinamana rito ang bahay na tinirhan noon nina Rudy at Alma, iniwanan ng kahit paano ay konting puhunan kung sakali, pero hayun nga, hindi mo rin alam kung ano na ang kinapuntahan ng lahat.

Si Mark Anthony lang ang puwedeng umayos ng buhay niya, at kung hindi niya aayusin ay siguradong wala siyang pupuntahan.

Magiging madilim ang bukas niya. 

 

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with