Beauty clinics, kinasabikan!

Belo

Sabi ni Dra. Vicki Belo, Salve, meron daw skin hunger na tinatawag kaya nang magbukas uli ang beauty clinics, talagang ang daming nagpa-skin care kaagad dahil parang hinanap ng skin nila ang facial at massage.

Siguro nga, pag regular ka na na nagpapa-facial talagang hahanapin iyon ng katawan at ng skin mo dahil nga nakasanayan na.

Naniniwala ako dahil nakita ko rin ang skin ng ilang artista noong nagsisimula pa lang sila, at after ng alagang Belo ay ibang-iba na ang balat nila lalo na sa mukha at nag-iiba na ang kinis ng buong katawan.

Hindi lang babae ang nagpupunta sa Belo kundi pati mga lalaki, kaya alam mo na talagang everyone wants to look good, at dapat lang naman lalo na kung taga-showbiz ka.

Ngayon na 15 days na naman ang modified enhanced community quarantine, tiyak na meron na namang skin hunger niyan. After nito, pila na naman sa mga beauty clinic. Bongga.

Dasal ang mas kailangan…

Naku, may pandemic nga tapos hayan na grabe na ang nangyayari sa Beirut, sa isang explosion halos 100K ang nadisgrasya, maraming namatay at nasugatan.

Ano ba iyan, gusto na yata talaga nila na mabura na talaga ang mundo at mawala na ang tao.

Imagine ang dami nang death sa COVID-19, tapos heto pa ang nangyayari sa Middle East.

Hay naku, talagang prayer brigade na talaga ang kailangan ng mundo, baka ito na lang talaga ang sagot sa mga kaguluhan na nangyayari.

Prayer warriors na ang dapat, hindi na military o police, spiritual weapon na ang gamitin. Save the world, save us, by prayers.

TV5 maraming bagong putahe

Lahat ay waiting na sa ilalabas ng TV5. Lahat tinitingnan na kung anu-anong putahe ang ibibigay nila, kung exciting ba ang mga putahe na kanilang ilalatag.

Well, TV5 is in good hands with Cong. Albee Benitez at Papa Tony Tuviera na siyang magiging content providers nila.

Aside from credible background, maganda ang record nila sa trabaho, kaya sure na aim high ang kanilang motto. And sa dami ng mga bagong programa na inumpisahan ni Papa Tony Tuviera, sure ako na excited ang lahat.

Maganda ang producing skills ni Mr. T lalo pa nga na nakita mo na ang longest noontime show na Eat Bulaga na inabot ng 41 years. Saka lahat naman ng ginawa niyang TV show, nag-hit kaya maganda ang kanyang track record.

Ang mga pelikula ni Cong. Albee naman ay pulos malalaki kaya hindi rin kataka-taka na ganoon din ang maging TV production niya, big projects.

Exciting days ahead for TV, bongga.

Show comments