Network ni Vice biglang nanahimik, gustong pakainin ng mabaho ang taga-Philhealth
Vice at Ion
STAR/ File
Network ni Vice biglang nanahimik, gustong pakainin ng mabaho ang taga-Philhealth
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - August 6, 2020 - 12:00am

Uy walang balita kung anong nangyari sa The Vice Ganda Network na naudlot ang launching weeks ago dahil sa technical glitch. Wala siyang pa-update ha.

Ngayon ay nagpapaka-safe sila ng boyfriend niyang si Ion at pa-throwback ang post niyang picture nila. “Sa alaala muna tayo rumampa. Libre na safe pa. Basta kasama ka!!! Saaaaavehhh! Talandi tong vaklang twooohhh!!!”

Anyway, kabilang si Vice sa mga napamura matapos mabunyag sa senate investigation na 15 billion ang diumano’y na-corrupt ng sinasabing mafia sa PhilHealth ayon sa pahayag ni former anti-fraud legal officer Thorrsson Keith na tinawag nilang ‘fraudulent schemes.’

“Parusahan ang mga magnanakaw sa Philhealth. Ikulong! PAGDUSAHIN. Pakainin ng ta_ ang mga fota_nang yan! Pagsama samahin ang lahat ng laway ng mga may sakit at ipainom sa kanila. Walang kompa-compassion sa mga de___yo! Mga ul_l! Sumakit tuloy ang ulo ko! Akin na ang Saridon!”

Bukod kay Vice, galit din si Anne Curtis : “GREED AT ITS FINEST,” tweet ni Anne na nasa Australia pa rin hanggang ngayon.

Hirit naman ni Zsa Zsa Padilla : “Paano na? May gagarapal pa ba sa ganito. Alam ko, meron!!!”

Hindi biro ang P15 bilyon. Kaya sana nga madiskubre kung totoo ito.

VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with