^

Direk Joel Lamangan, pinagsama-sama ang Pinay titleholders

(Pilipino Star Ngayon) - July 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Rumarampa na bilang mga reyna ng kagandahan ang real-life titleholders na sina Gloria Diaz, Maxine Medina, at Winwyn Marquez, kasama sina Ross Pesigan at Maris Racal, sa iWant original series na Beauty Queens  na napapanood na sa iWant.

Sa six-part series, pangarap ng Miss Universe 1969 na si Dahlia (Gloria) na maipasa sa kanyang mga babaeng anak ang titulong Miss Universe. Nagsimula ito nang mangako si Dahlia sa kanyang inang si Tarsila (Maris), ang kahuli-hulihang Carnival Queen ng Maynila noong 1939, na susunod ito sa kanyang mga yapak.

Ngunit sa pagkahumaling ni Dahlia na maging beauty queen ang mga anak niya, hindi nito napagtanto na iba-iba pala ang mga gusto nilang gawin sa buhay.

Maglalayas ang panganay niyang si Daisy (Maxine) para maging madre, magiging aktibista at mabubuntis naman si Tingting (Winwyn), habang ang bunso at unico hijo niyang si Rico (Ross) ang tanging yayakap sa pangarap na maging beauty queen at itatanghal na Miss Gay Universe.

Matapos ng ilang taong pagkakahiwalay, iimbatahan ni Dahlia ang mga anak sa isang party upang ipagdiwang ang centennial birthday ng kanyang yumaong ina at para na rin makasamang muli ang kanyang mga anak na malalayo na ang loob sa kanya. Ngunit imbes na mag-bonding, mag-uungkatan ang buong pamilya ng kanilang mga sikreto at sama ng loob.

Maaayos pa kaya ni Dahlia ang relasyon niya sa mga anak niya?

Ang Beauty Queens ang kauna-una­hang iWant original ng award-winning director na si Joel Lamangan na napapanood nang libre.

IWANT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with