Paghahanap ng talento sa buong mundo ng Dos, wagi ng 2 Asia-Pacific Stevie Awards
Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - July 16, 2020 - 12:00am

Kinilala ng prestihiyosong Asia-Pacific Stevie Awards ang paghahanap ng talento at pagtupad ng pangarap ng ABS-CBN matapos itong magwagi ng dalawang parangal para sa Star Hunt: The Global Showdown, ang pinakaunang online singing competition show ng network na kasalukuyang hindi nakakapag-operate sa free TV dahil sa kawalan ng franchise.

Ang taunang Asia-Pacific Stevie Awards ang nag-iisang awards program na kumikilala sa pambihirang achievements ng iba’t ibang negosyo sa 29 bansa sa buong Asia-Pacific region. Kikilalanin ang mga nagwagi ngayong taon sa isang online awards ceremony sa Setyembre 22.

Nagwagi ng Gold Award for Innovation in Social Apps at Silver for Award for Innovation in Entertainment Apps ang Star Hunt: The Global Showdown na ipinalabas sa Kumu, ang pinakamalaking social livestreaming app sa mundo na pagmamay-ari ng Pinoy.

Ito ang pinakaunang online show na binigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino saan mang panig ng mundo na magwagi ng cash prize at recording contract sa pamamagitan ng pagpapala­bas ng kanilang singing performances sa kanilang mobile phones sa pamamagitan nga ng Kumu app.

Nagsilbing hosts ng Star Hunt sina Maymay Entrata at Edward Barber at nakatanggap ng 700 na entry mula sa iba’t ibang bansa kabilang na ang Australia, Italy, at USA.

Inilunsad ito ng ABS-CBN Global sa pagha­hanap nila ng mga pambihirang talento matapos ang pinakamalaking on-ground audition event nito noong 2018 na sinalihan ng libu-libong Pilipinong nangangarap.

Higit sa 1,000 nominasyon naman ang natanggap ng Asia-Pacific Stevie Awards para sa iba’t ibang kategorya. Ang Gold, Silver, at Bronze Stevie Award winners ay kinilatis at pinili ng 100 executives mula sa buong mundo na nagsilbing hurado noong Mayo at Hunyo.

ABS-CBN ASIA-PACIFIC STEVIE AWARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with