^

PSN Showbiz

Aktres may tampo sa isyu ng himala

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Mailap sa interview ang isang premyadong female personality. Maraming dahilan na pinagpipilitan ang mga miron kung bakit.

Una, siguro raw, dahil sa kanyang pinagdaanang kasikatan ay parang nagsawa na siya sa mga panayam. Libong beses na kasi siyang naupo para sa interview na pare-pareho lang daw naman ang itinatanong sa kanya.

Ikalawa, tamad siyang mag-ayos, kapag humarap nga naman siya sa interview ay kailangan niyang maghanda. Kinatatamaran ng female personality ang ganu’n.

Pero sa mga ambush interview naman ay hindi siya tumatanggi, pinagbibigyan niya naman ang mga reporter, pero maigsian nga lang siyang sumagot sa mga tanong.

Kuwento ng isang source na malapit sa maga­ling umarteng aktres, “Mas maganda na ang ginagawa niya, at least, hindi siya naba-bash. Wala siyang hilig sa social media. Hindi dahil sa kung anupaman, ayaw lang niyang nakikisawsaw sa mga issue.

“Iba na nga naman kasi ang kalakaran ngayon, positive ang comment ng artista, pero nega ang dating sa iba, kaya bina-bash sila,”  pagtatanggol ng aming impormante sa female personality.

Pero may malaking tampo pala ang female personality sa isang grupo na nakatrabaho niya nu’n. Hindi na lang siya kumikibo pero kapag nakikita niya ang tagapamuno ng produksiyon ay hindi niya maiwasang maalala ang mga naganap sa kanila nu’ng nagtrabaho siya sa nasabing bakuran.

Patuloy ng aming source, “May karapatan naman siyang magtampo, may mga dahilan naman ang kinikimkim niyang sama ng loob sa mga taong ‘yun. Ginagawa kasi siyang katatawanan dati ng mga nakatrabaho niya.

“Sila ang nagkakalat ng kuwento na kapag tumatawag siya sa production, e, hindi siya sinasagot, dahil siguradong hihingi lang siya ng advance talent fee niya.

“Kapag daw naman tinatawagan niya ang production head, e, hindi rin siya sinasagot, kasi nga, mangungutang lang daw siya. Nakarating sa kanya ang mga kuwentong ‘yun! Ang sama-sama ng loob niya!

“Kaya nga ang biruan ngayon, e, himala raw ang hinihingi ng mga taong ‘yun dahil sa matinding problema ng network nila.

“Sabi ng mga kaibigan niya, anong himala ang makikita nila, e, pinaglaruan nga nila nu’n ang nagsabing walang himala?” humahalakhak na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Jinkee nagkariton habang napapaligiran ng bodyguards

Magaling sa damage control si Jinkee Pacquiao. Dahil bina-bash siya ngayon sa social media dahil sa paglalantad niya ng kanyang mga branded na kagamitan ay naisip niyang gumawa ng kakaiba.

Maraming naiinis sa misis ni Senator Manny Pacquiao ang banderada ay si Agot Isidro, na pumansin sa ginagawa niyang pagmamayabang nang wala sa tamang tiyempo.

Aba, nakaisip ng ibang paraan si Jinkee para du’n mabaling ang atensiyon ng publiko, sumakay siya sa kariton na kasama ang kanilang mga anak na babae.

Napakasimple ni Jinkee, hindi niya na ipinakita kung anong brand ng tsinelas ang kanyang suot, hindi tulad nang dati na pati ang mga mamahalin niyang tisnelas ay ipinaparada niya sa kanyang IG Stories.

Komento ni prop na nakakita rin sa mga ipinost na retrato ni Jinkee, “O, di ba naman? Sumakay siya sa kariton, napakasimple niya, pero meron siyang nakalimutan sa ginawa niya!

“Hindi pa rin siya nagtagumpay sa gusto niyang palabasin ng isa siyang commoner! Marami siyang kasamang bodyguard!” tawa nang tawang pagpansin ni prop.

Sharon, parang pata raw ng baboy ang braso

Galit na galit ang mga tagahanga ni Sharon Cuneta sa mga nambabastos sa kanilang idolo. Nang ipakita kasi ng Megastar na may suot siyang Rolex watch ay maraming nagkomento na parang pata raw ng baboy ang kanyang braso.

Pagkatapos nu’n ay may naglabas naman ng picture ng isang baboy na nakasuot ng relo, patama sa singer-actress, kaya nagwawarla ang kanyang mga tagahanga.

Ibang-iba na talaga ang panahon ngayon dahil sa social media. Parang lahat na lang ay may karapatan nang umupak ng kahit sino, parang may kalayaan nang mambastos ng mga personalidad, kaya kapag nasasagad na sila sa sobrang pambabastos sa kanilang pagkatao ay pumapatol na rin sila.

Ang pinakasolusyon na lang sa ganu’n ay huwag na kasing mag-post, para walang ibato pabalik sa kanila, para hindi na rin maputol ang pisi ng kanilang pasensiya.

vuukle comment

AKTRES

JINKEE PACQUIAO

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with