Advertising agencies, maraming nawalang accounts
Marami palang advertising agencies ang nawalan ng accounts sa pagpapasara sa ABS-CBN. Chika ng isang friend ko na nasa advertising “Malaki ang effect. Now they have to look for another platform that is as big as ABS-CBN.
“And many advertising agencies will lose many accounts,” reply niya.
Kaya ini-expect daw na mas lalaki pa ang advertising load ng GMA. “Definitely GMA will gain a lot.”
Pero sana raw ay ‘wag masyadong mag-increase ng rate ang Kapuso network “kasi meron pang ibang platform na puwedeng gawin. Doesn’t have to be TV for advertisers to promote their products, na mas mura,” chika pa ng friend ko.
Kinumpirma rin niya na ayaw din ngayon masyadong gumastos ng mga client nila. “Only (nag-mention siya ng two companies) ang papatol, pero eventually mag-iisip din mga ‘yan.”
Dagdag pang kuwento ni source from advertising, marami na rin daw ngayon ang mga celebrity na naghahanap ng raket even during the lockdown.
At ang isang sure niya pa, malaki ang mababawas sa talent fee ng maraming celebrity endorsers dahil maraming option dahil san kawalan ng trabaho hindi lang dahil sa pandemic kundi dahil na rin sa pagsasara ng ABS-CBN.
- Latest