^

PSN Showbiz

Juday sa dasal na lang kumakapit, tatlong araw na vigil ng supporters tinapos na

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Juday sa dasal na lang kumakapit, tatlong araw na vigil ng supporters tinapos na

Nagtapos na kahapon ang tatlong-araw na vigil ng mga manggagawa at tagasuporta ng ABS-CBN sa compound ng kum­panya sa Quezon City, bilang panawagan sa publiko na iparating sa mga mambabatas na bumoto ng “yes” sa prangkisa ng Channel 2.

Ipinagpapatuloy ng Committee on Legislative Franchises ng Kamara ang ika-12 pagdinig kahapon, Lunes (Hulyo 6), at maaari na ring magbotohan anumang araw sa linggong ito kung bibigyan ba o hindi ng prangkisa ang ABS-CBN.

 “Patuloy kaming nananawagan sa ating mga kababayan na magpakita ng support at ibahagi ang kanilang nararamdaman,” sabi ng presidente ng ABS-CBN Supervisory Employees Union na si Raul Asis. “Sana po huwag nang patagalin ang pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN dahil ang mga empleyado po ay sobra na pong apektado. Sana po ay pakinggan naman nila ngayon ang taong-bayan.”

 Tuluyan nang hihinto ang operasyon ng broadcasting service ng ABS-CBN na nagsimulang mag-operate noong 1953 sakaling manaig ang mas maraming “no” sa botohan na siyang ikinatatakot ng lahat lalo na nga’t sinabi diumano ng mga may-ari nito na mas mas pipiliin nilang i-shutdown ang network kesa ibenta.

Well, ang estimate, nasa 70 milyong mga Pilipino ang tumututok sa ABS-CBN kada linggo para sa balita, impormasyon, at kasiyahan noong nagbo-broadcast pa ito.

Balitang nakatanggap na ng 181 petisyon ang Committee on Legislative Franchises ng Kamara na sumusuporta sa pagbibigay ng 25-year franchise sa ABS-CBN, pero sa kasaluku­yan ay ang mga isyu na inihayag ng ilang grupong salungat dito pa lamang ang natatalakay.

Ilang mambabatas at cause-oriented groups na rin ang humikayat sa mga kongresista na ikonsi­dera ang kapakanan ng 11,071 manggagawa ng kompanya na nanganganib mawalan ng trabaho.

Umapela rin si ABS-CBN Rank & File Employees Union president Jon Villanueva na payagan ang network na patuloy na paglingkuran ang publiko at tumulong sa gobyerno para labanan ang pan­demya na kahapon ay umabot na sa 46,333 ang nahawa kasama na ang 2,099 additional positive cases.

Nagtipon-tipon nga ang mga manggagawa at tagasuporta ng network sa broadcast compound sa Esguerra Avenue sa QC para magsulat ng mga mensahe ng pagsuporta sa freedom wall na tinawag na RENEWall na nasa labas ng gate ng ABS-CBN. Ang iba ay nag-iwan pa ng mga bulaklak at lobo sa paligid na ang iba ay mga banderang may dekorasyong puso na may kulay na red, green, at blue na mga kulay ng kanilang logo.

Nagparating din ng suporta ang ilang netizens sa social media noong weekend gamit ang mga hashtag na #IbalikAngABSCBN, #ForeverKapa­milya, at #LabanKapa­milya.

Ang mga artista tulad nina Vice Ganda, Martin Nievera, Judy Ann Santos, Kathryn Bernardo, Angel Aquino, Karla Estrada, Jake Cuenca, Gary Valenciano, at iba pang Kapamilya stars ay nakiisa rin sa panawagan sa pamamagitan ng pagpaparinig ng kanilang boses online para iapela ang positibong resulta para sa prangkisa ng ABS-CBN.

“Tanging dasal na lang ang kinakapitan naming lahat, hindi na para lang sa aming mga artista kundi para sa pamilya ng mga empleyadong nawalan ng trabaho, para sa mga nangangailangan ng mga impormasyon sa mga malalayong lugar, para sa ekonomiya natin na patuloy ang pagbagsak dahil sa pandemya,” sabi ni Judy Ann.

Simula noong Mayo 26, nagkaroon na ng 11 na pagdinig ang Committee on Legislative Franchises at Committee on Good Government and Public Accountability at naglaan na pala ng nasa 65 oras para usisain ang mga opisyal ng ABS-CBN at iba’t ibang ahensya ng gobyerno tungkol sa mga isyung ibinabato laban sa network.

Sinagot na rin ng ABS-CBN ang mga isyung may kinalaman sa foreign ownership, 50-year limit sa mga prangkisa, paggawa, buwis, at digital TV broadcast at nanindigang sumunod ito sa mga umiiral na batas at regulasyon.

Habang nasa 13 ang kabuuang bilang ng mga panukala na nai-file tungkol sa nasabing prangkisa simula noong 2019.

Mayo 5 nang utusan ng National Telecommunications Commission ang ABS-CBN na itigil ang broadcast operations nito, sa kabila ng naunang pagtitiyak nito sa Senado at Kamara na magbibigay ng provisional authority para patuloy na makapag-operate ang ABS-CBN habang tinatalakay ang mga panukala para sa bagong prangkisa nito.

Ngayong araw inaasahang magbobotohan ang Committee members.

Abangan...

 

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with