Dingdong
‘Aktor’ nila Dingdong dinedma, anti-terror bill pirmado na
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - July 4, 2020 - 12:00am

Wala ring nagawa ang AKTOR (League of Filipino Actor) na naglabas din ng kritikal na pahayag sa diumano’y pagbabanta sa kalayaan ng pagpapahayag o freedom of expression na inuugnay sa Anti-Terrorism Bill. Isa na itong ganap na batas. Yup, ayon sa ‘breaking’ habang sinusulat namin ito ay pirmado na ito ni Pangulong Duterte.

Kasama sa AKTOR na pinamumunuan ni Dingdong Dantes sina Agot Isidro, Angelica Panganiban, Cherry Pie Picache, Gabbi Garcia, Iza Calzado, Janine Gutierrez, Jasmine Curtis-Smith, Joel Torre, Richard Gutierrez, at marami pang iba.

“Alam n’yo madaming bumabatikos sa aming mga aktor kung bakit daw kami parati nakikisawsaw sa mga usaping panglipunan or politikal. Pero ngunit may karapatan man kayo bumatikos sa amin, nais namin ipaalala na ang proteksyon sinisiguro ng Saligang Batas sa malayang pagsalita at pamamahayag ay para sa lahat ng mamamayan.

“Ang karapatan ay hindi lamang konsepto or kaisipan. Ito’y dapat na buhay sa diwa ng buhay ng Pilipino ng isang demokrasya,” bahagi ng pahayag ng grupo.

Speaking of Dingdong, nakakatuwa ang kwento ni Descendants of the Sun lead actor tungkol sa kanyang naging face-off sa isang daga na umaaligid sa kanilang lanai area. 

Isa nga raw sa mga natuklasan niya sa kanyang sarili ngayong quarantine ay ang kakayahang malabanan ang takot sa daga. Aniya, “Sobrang matatakutin ako sa daga. As in talagang ‘pag may nakita akong daga o may malaman lang ako na mayroon sa tabi-tabi, magfi-freak out ako.”

Iba na nga raw ngayon. “Pero isang takeaway doon is, naging kaibigan ko na ‘yung isang malaking daga na umaaligid sa bahay namin kasi nakaya ko na mag-stand off sa kanya ng mga at least 3 seconds kasi ‘di siya umuurong, e. At least ngayon meron na kaming mutual respect kasi talagang inuurungan ko siya dati. Mukhang okay na naman kami,” chika niya.

Anyway, wala pang panibagong reaction AKTOR sa ‘breaking news’ habang nagdi-deadline kami na isang batas na ang Anti-Terror Bill na mariing kinokontra ng mara­ming celebrities.

Nauna nang nagpahayag ang grupo sa sinapit na pagpapasara ng ABS-CBN at ang pagdami ng COVID-19 cases sa bansa na mahigit 40,000 na kahapon.

DINGDONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with