One Sports muling magbabalik

MANILA, Philippines – Babalik na ang mga trip nating sports sa One Sports ngayong Lunes, June 15!

Maaasahan ng mga viewers ang program lineup tampok ang mga pinakasikat na sports sa bansa at sa buong mundo. Ipapalabas angmga classic na larong basketball mula sa PBA, FIBA, at US NCAA, at marami pang iba. 

Matutunghayan din ang pinaka-exciting na mga laban mula sa Philippine SuperLiga (PSL), NFL, at AFC Cup. Sa ESPN Boxing’s Greatest Fights naman makikita ang mga classic na labang boxing tulad ng “Thrilla in Manila” nina Muhammad Ali at Joe Frazier. Mayroon ding ONE Championship at WWE Raw para sa mga mahilig manood ng fight sports. Para sa mga mahilig sa Esports, ipapalabas din ang Mobile Legends: Bang Bang Professional Leagues (MPL) at marami pang iba.

Maaaring mapanood ang One Sports sa free TV at mga cable operators sa buong bansa. Para sa karagdagang impormasyon, i-follow ang One Sports sa Facebook, Twitter, at Instagram (@OneSportsPHL)

Show comments