Gerald
STAR/ File
Show nila Kim, Gerald, momshies, ASAP, ibabalik kahit off the air pa ang Dos!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - June 4, 2020 - 12:00am

Nakakasa na ang ibang programa na magbabalik-taping.

Napapag-usapan nang handang-handa na raw ang buong team ng Ang Probinsyano na ang sabi, may kukunan daw sa Batangas at meron din malapit sa Quezon City.

Five weeks nga raw silang naka-lock in at mahigpit daw sila sa kanilang guidelines at protocols na kailangang sundin.

Sabi ng ilang napagtanungan namin, bago pa naman naglabas ng guidelines ang FDCP at  IGA, meron na rin daw ginawa ang ABS-CBN 2 na halos kapareho na rin daw sa inihanda ng IGA.

Ngayon ang latest na narinig namin, itutuloy na raw nila ang Ang Probinsyano kahit wala pang kasiguraduhan kung mabubuksan ba uli ang ABS-CBN 2 o hindi.

Puwede naman daw itong iere sa Teleradyo o Jeepney TV.

Bukod sa Ang Probinsyano, ang ilan pang narinig naming itutuloy pa rin ng ABS-CBN 2 ay ang Love Thy Woman, A Soldier’s Heart, ASAP, Magandang Buhay at It’s Showtime.

Mga bagong programa na raw ang kasunod at ang ibang binabalak na gagawin ay hindi pa matiyak kung itutuloy pa o hindi.

Samantala, wala pang linaw kung ano naman ang uunahin ng GMA 7. So far, ang Wowowin pa rin ni Willie Revillame ang nakabalik.

Aktres na malakas sa social media gustong mag-demanda

Ang tapang magsalita nitong female celebrity lalo na kung may kaaway siya. Wala siyang inuurungan at hindi tumitigil ang bibig nito, dahil sanay siyang makipagbangayan.

Ang latest na pahayag niya ay kaya niyang makipagdemandahan dahil marami siyang perang panggastos sa abogado dahil marami naman siyang supporters at talagang nagpi-finance sa lahat na ginagawa niya. May ilang dati pa raw niyang fans na willing gumastos para sa kanya. Ang iba raw ay mga OFW pa na madatung, pero ngayon ay mukhang nag-aatrasan na ang iba.

Nanghinayang na raw kasi ang iba dahil parang wala naman daw silang napapala at wala naman daw napupuntahang maganda ang naibigay na pera.

Ang isa lang daw sa ipinagmamalaki nitong female celebrity ay malakas ang kanyang social media account at marami itong views.

Minsan ay pumunta raw ito sa isang supporter niya na nagpi-finance din sa kanya sa isang bayan sa Bulacan.

Merong tindahan ng bigas daw itong supporter ni female celeb at nag-Facebook live daw siya roon. Ang sabi pa raw ni female celebrity, magandang mag-FB live siya roon para ma-promote daw ang bigasan niya.

Natuwa naman daw itong si supporter niya, pero ang kinalabasan nung nag-FB live, pawang bashing ang inabot nila.

Hindi raw kayang salagin ni female celebrity ang mga negatibong komento sa FB live niya. Kaya sa halip na nakatulong sa bigasan nung supporter niya, napahamak pa.

Galit na galit daw ang asawa nung supporter nitong female celebrity at bakit pa raw ito nagpapaniwala sa babaeng iyun.

Kaya umatras na rin ito, at unti-unti na nga itong nawalan ng mga supporters. At baka ang ending ay demanda pa raw ang abutin niya.

Andre touching ang pa-birthday sa ‘Mom’

Touching ang Instagram post ni Andre Paras kahapon na kung saan binati niya ang kanyang stepmom na si Lyxene Paras na nagdiwang ng kanyang kaarawan.

Iyun ang nakakatuwa kay Andre na walang kanegahan at mas gusto niyang tahimik na lang at hindi na kailangang pagpiyestahan sa social media.

Kamakailan lang ay ipinost ni Jackie Forster sa kanyang IG account na nagsama-sama ang lahat na mga anak niya na naki-celebrate sa kaarawan ng bunsong anak niyang si Yohan. Sabi naman ni Andre sa mga nakaraang interviews na wala silang problema ng Mommy niya. Ayaw lang daw niyang laging nasa social media.

Si Kobe lang ang mas close talaga, pero okay na okay daw sila ng Mommy Jackie niya at mga kapatid niya. Pero likas talagang mabait si Andre na marunong magpahalaga sa mga taong nagmamahal at nag-aalaga sa kanya.

Kaya ang ganda rin ng message niya sa kanyang stepmother na si Lyxene na nag-aalaga rin sa kanya nang mabuti. Bahagi nga ng makabagbag damdaming birthday message para sa kanyang isa pang Mommy : “I’m 24 and you and dad support me in moving out but I still choose to live under your roof because I don’t want to miss waking up to an amazing family. No matter what people say against you.”

GORGY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with