JM, hinarana si Alyssa?!

JM at Alyssa

Sunud-sunod ang panghaharana ni JM de Guzman sa kanyang IG followers the other night.

At maraming kinikilig ha.

Magkasunod na kinanta ng Pamilya Ko actor ang cover song ng Only Hope and Best Part ni Daniel Ceasar.

Samantala, itinuloy ni JM ang malungkot na kwento ng pag-ibig sa music video ng kanta niyang Huling Liham mula sa Star Music.

Isinulat ng mag-asawang composer na sina Moira Dela Torre at Jason Marvin ang kanta para sa malapit nilang kaibigan na si JM.

“Tungkol ‘yung Huling Liham sa huling sandali bago mo makita ‘yung pagsisisi bilang mga rason para magpasalamat,” sabi ni Moira tungkol sa meaning ng kanta. “’Yung moment bago mo matutunang maging grateful para sa oras na kasama mo ang isang tao kahit hindi man ‘yun kasing haba ng inasahan mo.”

Idinirek din ni Cris Escolano ang music video na karugtong ng music video ng Asa na inilabas noong Marso ng aktor, at nagsisimula ito sa beach kung saan huling nakita si JM na nag-iisip mag-isa.

Tampok sa music video ang kapareha ni JM sa Pamilya Ko na si Alyssa Muhlach, na gaya ni JM ay makikita ring binabalikan ang mga masasayang alaala nila sa nasabing beach.

Ipinaalam naman ng fans nina JM at Alyssa ang saya nila sa pagsasama ulit ng dalawa, sa pamamagitan ng pagco-comment sa music video sa YouTube.

Magiging bahagi ng bagong EP ni JM ang Huling Liham at  Asa sa ilalim ng Star Music.

Anyway, habang lockdown bukod sa pagkanta ay workout ang pinagkaabalahan ni JM at isang cute na pusa lang ang kanyang kasama.

Show comments