Angel
Angel, worth P2 million ang kotseng pinapa-auction para sa mass testing
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 30, 2020 - 12:00am

Almost P2 million (ayon sa google) ang worth ng 2015 Dodge Durango ni Angel Locsin na for auction sa Shop & Share.

Ang Shop & Share na sinimulan ni Angel ay binuo para makaipon ng funds for testing kits.

Nauna nang nagbenta ng Chevrolet Chevelle (vintage car) ang actress noong 2013 para sa mga naapektuhan ng bagyong Yolanda.

Ayon sa reports noon, roughly, P2.9 million to P3 million ang halaga ng vintage car ng actress.

At ngayon, partner na rin ang Shop & Share ng ilang private companies na nakikipag-coordinate para tumataas nga ang testing capacity sa bansa ayon pa sa actress.  

“We had the opportunity to be invited today at the Tropical Disease Foundation by Deputy Chief Implementer, National Action Plan against COVID-19, Sec. Vince Dizon, for the inauguration of a new CoVid Testing Lab funded by the Ayala Group. In attendance are Ayala Health’s Fernando Zobel de Ayala, Paolo Borromeo, Dr. Rizzy Alejandro and Faye Perez; Solaire’s Sarsi Razon and Cookie Alonzo; and Tropical Disease Foundation’s Dr. Ruben Encarnacion.

“We are here to observe and learn more on how we can help the government and medical community in CoVid testing. We are fortunate that private companies are working closely with the government to boost the daily testing capacity to 50,000 from the initial target of 30,000. This is crucial to flatten the curve and ease us in to the new normal as some of us go back to work.

“I am impressed with this new facility and hopeful that we can have more of this in the country,” update ng actress.

Nag-donate na rin Shop & Share ng Channel bag si Anne Curtis. Mga worth P150,000 ang nasabing luxury bag.

Meron ding donation sina Liza Soberano and Vhong Navarro na mga collection ng kanilang designer shoes. Si Vhong ay may Dior and D & G shoes habang si Liza ay may Christian Louboutin pumps. Nauna nang nag-donate si Ogie Alcasid ng mga action figures / toys.

Bongga rin si Angel. I doubt kung meron ibang artista na puwedeng mag-donate ng kotse at maging masigasig para makatulong sa krisis na pinagdaraanan hindi lang naman ng bansa natin kundi ng buong mundo.

Nauna na niyang sinagot na wala siyang planong pumasok sa pulitika so walang ibang motive ang ginagawa niyang pagtulong.

bansa natin kundi ng buong mundo.

Nauna na niyang sinagot na wala siyang planong pumasok sa pulitika so walang ibang motive ang ginagawa niyang pagtulong.

 

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with