Fan meeting nina Hyun Bin at Ji Chang Wook inaasahang dadagsain kahit may virus?!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - May 30, 2020 - 12:00am

Wow, ha, sure akong kilig na kilig ka nang i-announce ni Ben Chan ng Bench na darating dito sina Hyun Bin at Ji Chang Wook. Either end of this year kapag ok na ang lahat, or early next year.

Siyempre, marami ang sabik na sabik na makita ang dalawa, lalo na si Hyun Bin na hot na hot dahil sa Crash Landing On You. Sobrang na play-up ang Koreanovela kaya lahat ay may Hyun Bin fever.

Si Ji Chang Wook naman number one fan si Jinkee Pacquiao, ang akala ko nga ito ang magdadala rito sa Pilipinas, pero si Ben Chan nga ang winner at siyang producer ng meet and greet ng dalawang hot Oppa.

Mas manaig kaya ang kilig kesa sa takot sa coronavirus pagdating nila?

Dagsain kaya ang venue kasehodang magkakaroon uli ng outbreak ng covid-19? Hah hah hah, basta, sure ako na dahil kikay si Salve ay nandoon iyan na tiyak, walang makakapigil sa kanya, corona o COVID, sasagasaan niya sure ako hah hah.

Ibang nagkakawanggawa, hindi nag-iingay

Ewan ko pero sa nakikita nating mga nangyayari around us now, imposibleng hindi maantig ang puso mo at maghangad na tumulong. In our own way, magagawa mong tumulong nang hindi na kailangan pang malaman ng iba.

Mas hanga nga ako doon sa mga nagbibigay nang tahimik lang pero alam mong malaki ang tulong na ibinibigay. Hindi nababalita, hindi nila pinagsasabi, pero hayun at malaki ang kawanggawa.

Sa nakikita nating sitwasyon, pusong bato ka na kung hindi ka naaapektuhan. Imposible na kahit barya lang ay hindi ka makapagbigay. Sabi ko nga, ang piso feeling mo isang milyon na pag kailangan mo.

So, basta open our hearts, give out, pay forward, times are hard but harder to most, help them please.

Rocco marunong sa pera

Hanga ako kay Rocco Nacino ha. Ang ganda ng bahay na ipinapatayo niya out of his showbiz earnings. Talagang makikita mo kung gaano siya kasinop sa pera at kung paano niya inayos ang financial needs niya.

Aside from magandang bahay, meron din siyang investment sa mga negosyo nilang magkakaibigan. You cannot deny talaga na malaking bagay sa isang tao ang pagkakaroon ng educational attainment, like Rocco na isa ring registered nurse.

Tingnan mo, maayos at may focus. Good job Rocco, congrats.

HYUN BIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with