James magiging busy na sa food security

James
STAR/ File

Magiging visible na uli si James Reid. Pero hindi sa showbiz kundi sa pagiging Ambassador of Food Security ng Department of Agriculture. “Thank you to the Department of Agriculture and Secretary Dar for trusting me with the role of Ambassador of Food Security. Thanks for the gift Can’t wait to show everyone what we’ve been working on during quarantine! #plantplantplant,” ang unang post ni James na walang paramdam sa pagsasara ng ABS-CBN kung saan nakilala ang tandem nila ni Nadine Lustre na JaDine nung nasa Viva pa sila.

Kahapon ay dumalo na ang Kapamilya actor sa event ng Buwan ng Magsasaka’t Mangingisda kung saan kasama siya sa tumanggap ng sanitation tents for DA na bigay ng isang organization.

Anyway, bago nagkaroon ng lockdown ay may gagawin sanang teleserye si James with Nancy of Momoland, ang Soulmate.

Bukod sa lockdown, kasalukuyan pa ring off the air ang ABS-CBN dahil sa issue ng franchise at kahapon pa lang nag-umpisa ang hearing para sa renewal nito.

Show comments