^

PSN Showbiz

Daniel tanggap na sariling kayod na ang magiging career!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Daniel tanggap na sariling kayod na ang magiging career!
Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

Tama ang sinabi ni Daniel Padilla sa isang interview na digital generation na ngayon.

Binanggit niya na, now you can go out on your own, do your own video at pag nagustuhan ng nakararami, magiging internet sensation ka na. Digital era na at you can reach out farther in the world on your own, mga idea mo, ibenta mo, no need to seek for help.

Siguro iyon ang dahilan kung bakit seryoso sila ni Kathryn Bernardo sa kanilang mga online activities.

Well and good, pero ang na-overlook nila, dahil digital era na, madali ring magbago ang interest ng mga tao. Hindi rin ganoon katibay ang hawak mo sa audience mo, at mas tumatagal pa rin ang conventional type na paggawa ng mga bagay.

Sana nga, tama si Daniel Padilla.

Sam at Catriona naitawid ang relasyon kahit pandemic

Cute naman iyon pandemic love affair nila Sam Milby at Catriona Gray, Salve.

Bongga at ngayon lang sila bale umamin na special sila sa isa’t isa. Ang ganda siguro nilang tingnan pag nagde-date sila, isang guwapo at maganda, perfect combination talaga.

Ang sweet lang ng birthday greetings ni Catriona kay Sam na ipinakita naman ni Sam na kilig na kilig siya.

Sabi nga, kahit pandemic naitatawid ang love. So sweet. 

Online shows patibayan na lang ang laban!

Kung mapapansin mo, Salve, talagang ang daming online shows ngayon at nadadagdagan pa.

Sabi nga ni Daniel digital era na ngayon. Puwede ngang totoo iyon base sa observation niya. Pero dahil digital era na, ang dali ring mawala ng interest ng isang viewer.

Sa dami ng napapanood na online shows, parang malilito ka na nga na halos araw-araw meron kang nababalitaang bagong show online.

Meron na rin si Pinky Tobiano na very timely dahil tungkol ito sa science ng chemistry. Si Bambbi Fuentes na tungkol naman sa beauty at make-up na siya naman niyang forte.

Bawat personality o celebrity na merong online show, ang line of work nila ang central issue ng program nila. So matira ang matibay talaga. Kung makuha mo ang atensiyon ng manonood mo nang longer period, it’s a success na for you.

Keep fighting online.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with