^

PSN Showbiz

Pulitiko nagsalita sa totoong lagay ng franchise ng ABS-CBN

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Isang popular at parehas na pulitiko ang nakakuwentuhan namin tungkol sa kasalukuyang indultong hinaharap ng ABS-CBN.

Una ay ang pareho naming pagkawindang sa sinapit na kapalaran ng network, kahit sa panaginip ay wala naman kasing mag-iisip at aasa na ang isang higanteng istasyon na tulad ng ABS-CBN ay magsasarado pala, at ang pinakamasakit na senaryo ay maipasasarado pala.

Isang senyal, magkapareho naming obserbasyon, na ma­ging mga hari at reyna ay walang katiyakan kung hanggang kailan nila mayayakap ang kanilang luklukan.

Ang sisinghap-singhap na pag-asa ng mga tagapamuno ng istasyon, ng kanilang mga empleyado at artista ay nabigyan na sana ng pag-asa nang ipasa ng Kamara ang kanilang hiling, pero binawi naman ilang araw lang pagkatapos.

Ayon sa kausap naming pulitiko ay nasa aspetong legal na ang usapin. Anumang sigaw ang gawin ng kanilang mga artista, magpagulung-gulong man sila sa Monumento hanggang Bac­laran, ay hindi na makatutulong.

“Masasayang lang ang effort nila. Tama, nakakatuwang malaman na may mga artista ang ABS-CBN na lumalaban, may utang na loob kasi sila sa istasyon at nandu’n talaga ang bulto ng trabaho nila.

“Pero sa emotional aspect lang ‘yun, hindi nu’n makakayang lutasin ang problemang kinakaharap ng istasyon nila, legalidad na ang pinagtutuunan ngayon.

“’Yun ang mga kailangang sanggahin ng network ngayon, kailangan nilang mapaniwala ang mga magdedesisyon na capable silang bigyan ng bagong franchise.

“Kailangang responsibility-free sila, obligation-free, para makabalik sila sa ere. Hindi puwedeng pambala sa legality ang mga artistang sumisigaw ng suporta.

“Kahit pa mag-rally sila at magsisigaw sa kalye, iba na ang takbo ng usapin ngayon, legalidad na. Nagsasayang lang sila ng pagod, nakakaawa nga sila kung tutuusin, dahil sila ang nagiging bala sa laban na hindi naman sila dapat ang humaharap kundi ang mga abogado ng network,” mahabang paliwanag ng kausap naming abogado-pulitiko.

Heart malalim ang hugot ng iyak kay Jessica

Natutukan namin ang panayam ni Jessica Soho kay Heart Evangelista sa KMJS. Titingnan nating napakapabolosa ng aktres, nasa kanya na yata ang lahat ng materyal na bagay sa mundo, pero dinadalaw pa rin pala siya ng kalungkutan at depresyon.

Halatadong may pinagdadaanan si Heart dahil sa isang tanong lang ng TV host ay para na siyang gripong binubuksan sa pagluha.

Ganu’n ang taong nakapailalim sa depresyon, sa isang kalabit lang ay umiiyak na, naghahanap na ng saklay para siya ay makatayo.

Sabi ng kaibigan naming psychiatrist, “Loneliness comes from within. May nararamdaman kang lungkot na hindi mo naman masabi talaga kung saan nanggagaling.

“Kapag umaatake ang depression, all the more na kailangan tayong maging matatag, kasi, kapag nagpadala tayo, alam na natin kung saan ‘yun papunta,” sabi ng aming kaibigang doktor.

At kadalasan pala ay malala-king tao sa lipunan ang nagiging biktima ng depresyon, mga kilalang personalidad, dahil sensitibo ang kanilang posisyon.

Tamang-tama ang ginagawang paglaban ni Heart sa depresyon, mulat siya sa katotohanan na hindi siya naiiba sa mga taong dinadalaw ng kalungkutan sa kabila ng kanyang kayamanan at popularidad, kaya naman positibo ang takbo ng kanyang buhay.

Nagmarka sa amin ang sinabi ng kaibigan naming doktor na mas malaki ang bilang ng mga nagpapakamatay sa mundo ng mga pinagpala at bilang na bilang lang ang mga kapuspalad na nagpapatiwakal at sumusuko sa laban ng buhay.

Totoo naman. Araw-araw na kasing nakikipagdigmaan sa buhay ang mga kapos, sanay na sanay na sila, pinatibay na ng kapalaran ang kanilang sistema.

Ang kaunting kurot at suntok lang ay hindi nila iniinda, pinagtatawanan lang nila ang ganu’ng sakit, samantalang ang mga taong sagana sa buhay ay sobrang sensitibo.

Hindi masamang malungkot tayo, lalong hindi krimeng maituturing ang pagtanggap na paminsan-minsan ay natatalo tayo sa laban, pero iisa lang ang buhay.

Kapag nawala na ay tapos na rin ang biyahe natin sa mundo bilang turista.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with