^

PSN Showbiz

Mga sinehan malabong magbukas

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mga sinehan malabong magbukas
Liza Diño

Mga pelikulang Tagalog sa online platforms na ilalako!

Unti-unti na palang gumagalaw ngayon ang ilang movie production para mag-shoot ng pelikula.

Atat na atat na talagang magtrabaho ang lahat, na understandable naman. Pero iyung mga atat na atat na mag-malling iyun ang hindi talaga ma-gets ‘di ba?

Ngayon, dahil sa gusto nang magtrabaho ng nasa movie industry at pati na rin sa TV, nag-submit na ang Film Development Council of the Philippines ng Interim Guidelines on Safety Protocols for the Conduct of Film and Audio-Visual Production Shoots to Mitigate COVID-19.

Nang nakausap namin si FDCP Chairperson Liza Diño sa DZRH nung nakaraang Lunes ng gabi, nilinaw niyang ang guidelines na isinumite nila ay hindi pa raw final dahil ang mag-a-approve nito ay ang IATF o Inter-Agency Task Force at Department of Health.

Kahapon naman ay nagkaroon ng presscon ang Inter-Guild Agency para sa inilabas nilang guidelines na dapat sundin. Hindi pa lang malinaw sa amin kung alin ang susundin, ang sa IGA o sa FDCP.

Naglabas na kasi ang statement ang PMPPA o Philippine Motion Pictures Producers Association na ang susundin nila ay ang inihanda ng Inter-Guild Alliance na kung saan bago raw nila ito nabuo, nagkaroon sila ng masusing consultation mula sa iba’t ibang guilds at iba’t ibang sektor ng film, television at advertising industries ng bansa.

Kaya sabi naman ni Liza nang nakapanayam namin sa radio program namin sa DZRH, parang provisional pa lang daw ito sa kanila, dahil kailangan na rin daw nilang maglabas ng guidelines dahil may mga gusto nang bumalik sa pagpo-produce. “I would say provisional, habang nasa MECQ at wala pang final word or final approval galing sa kanila, ito muna yung susundin natin,” pakli niya.

“We’ve already consulted na rin ang DOH. May mga important points diyan na kailangan yung referencing talaga yung existing guidelines ng IATF, tapos ang iba’t-iba pang ahensya like DOTR, DOLE, and DTI. Lahat yung reference namin yung existing na mga circulars at kung anu-ano pang guidelines na nanggaling sa National Authority,” dagdag pa niya.

Nagpapasalamat siya dahil nakipag-cooperate na rin daw ang iba’t ibang guilds para mabuo ang guidelines na ito.

Aalamin pa namin ‘yan sa Inter-Guild Alliance kung aling guidelines ang talagang susundin. Nagtanong na rin ako sa ilang production staff, meron na raw silang guidelines na nababasa, pero hindi lang alam kung saan ito nanggaling,

Siguro nga hintayin na lang kung ano talaga ang ilalabas ng IATF na abala pa sa iba pang problemang hinaharap natin ngayon sanhi ng COVID-19.

Ang isa lang sa magandang nabanggit ni Liza ay ang assistance na gagawin nila sa mga pelikulang ipu-produce. Dahil sa mga susundin na guidelines, parang hirap ngayon mag-produce ng malalaking pelikula dahil mahirap itong bawiin.

Kung makapag-produce man ng pelikula, saan kaya ito ipalalabas kung sarado pa ang mga sinehan.

May naisip na paraan ang FDCP para matulungan ang ating mga producers. Saad ni Liza Diño; “Siyempre, in-amplify namin yung mga partnership namin sa mga international distribution platforms. So, nagkaroon na kami ng meeting with Netflix. Next week we’re reaching out to Iflix and other streaming platforms para yung mga content natin na puwede nang i-distribute o puwede nang maghanap ng mga platform para ipalabas, puwede nang makatulong ang FDCP para mag-bridge ng connection na yun.”

Binanggit na rin ni Liza ang sinimulan nilang Sine Lokal na gagawin na itong online. “Siyempre FDCP is creating its own platform. It’s called Sine Lokal Online.

“It’s a streaming platform…siyempre hindi naman lahat na content natin ia-acquire ng mga platform  na iyun kasi very stringent yung mga requirements, pagdating sa quality, may mga technical requirements yan. Ayaw naman nating walang platform yung mga local films o yung mga hindi talaga alam pa at sanay pa sa ganitong klaseng distribution negotiations.

“Itong Sine Lokal online, it’s a streaming platform na magkakaroon ng option to monetize their content and at the same time we can also to host online film festivals.

“Mas malaki na ang audience natin kasi digital na siya at malawak na global can actually watch. FDCP will create this platform for them. Ito yung tulong ng gobyerno sa kanila to create this platform,” seryosong pahayag ni Liza na gusto  niyang tuloy pa rin ang entertainment industry kahit hindi pa ito napa-prioritize sa ngayon dahil sa pandemic na ito.

vuukle comment

LIZA DIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with