^

PSN Showbiz

Sue, nadiskubre ang peace at self love nang makulong sa bahay

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sue, nadiskubre ang peace at self love nang makulong sa bahay
Sue Ramirez

Hinahanap-hanap na ni Sue Ramirez ang pagtatrabaho sa iba’t ibang lugar. Talagang nanibago raw ang aktres mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.

“No’ng una parang medyo nahirapan ako talaga kasi siyempre sanay ako na palaging nasa trabaho tapos biglang wala. Halos araw-araw ng gising ko, sinasabi ko na, ‘Shocks! Gusto ko nang mag-taping.’ More than love life, mas nami-miss kong magtrabaho,” natatawang pahayag ni Sue.

“For 10 years ‘yon ginagawa ko halos araw-araw ng buhay ko. Tapos unti-unting nag-sink in sa akin na ito na pala ‘yung pinakamahabang pahinga na nakuha ko for myself in a long time,” dagdag pa ng aktres.

Maraming mga bagay ang natuklasan at natutunan ni Sue dahil sa pananatili lamang nang mahigit dalawang buwan sa bahay. “Ang dami kong na-discover na hindi ko alam before. Nakakapagluto ako, halos araw-araw ako ‘yung nauuna sa kusina kasi ako nagluluto ng breakfast. Nagsa-start ako mag-drawing. Kung anu-anong ginagawa kong hobbies na hindi ko pa nadi-discover, tina-try ko. So na-discover ko siguro sa lockdown na ito, more than anything, is peace sa sarili ko at saka self love,” pagbabahagi ng dalaga.

Carlo naalala kung paano naiba sa sampal ni Ate Vi

Masayang inalala ni Carlo Aquino ang mga panahong nakatrabaho si Vilma Santos para sa pelikulang Bata, Bata, Paano Ka Ginawa? mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas. Isang malaking karangalan para sa aktor na nakaeksena ang nag-iisang Star for All Seasons. Sobra ang pasasalamat ni Carlo sa beteranang aktres na itinuring daw siyang tunay na anak habang ginagawa ang naturang proyekto.

“Sa pagtanggap niya sa akin na anak niya, malaking-malaking bagay iyon. Hindi siya nagdamot kahit isa na siyang Vilma Santos noon. Tinanggap niya ako, inalagaan niya kami ni Serena (Dalrymple) kaya sobrang thankful ako mommy na hanggang ngayon mahal mo ako,” pahayag ni Carlo.

Si Albert Martinez ang gumanap bilang asawa ni Vilma sa pelikula. Ayon kay Carlo ay talagang inalalayan siya ng dalawang beteranong artista noon. “Never nila pinaramdam na superior sila. Talagang kapag kailangan ko ng tulong or ni Serena ng tulong, nandiyan sila,” pagbabahagi niya.

Isa sa mga sumikat at pinag-usapang eksena sa pelikula ay ang komprontasyon at ang pagsampal ni Vilma kay Carlo na noon ay 13 taong gulang pa lamang. Hinding-hindi raw makalilimutan ng aktor ang nasabing eksena. “Malakas eh, naging adult ako bigla. Iba rin ‘yung pakiramdam no’ng time na ‘yon na ang kaeksena mo si Vilma Santos. ‘Yung hinihingi nga ni direk Chito (Roño) sa akin noon, pagkasampal, humarap ako kaagad. Ang daming nangyayari, ang dami kong iniisip,” nakangiting kwento ng aktor. (Reports from JCC)

vuukle comment

CARLO AQUINO

SUE RAMIREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with