^

PSN Showbiz

Kim parang lalaki, kumpleto ang balls!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Kim parang lalaki, kumpleto ang balls!
Kim Chui
STAR/ File

Paulit-ulit naming pinanood ang paglilitanya ng galit na galit na si Kim Chiu pero wala naman kaming maintindihan sa kanyang mga sinasabi dahil Chinese ang ginagamit niyang lengguwahe.

Palagi niyang sinasabi ang mga linyang, “Bonbot tangcha lo. Gonbo watang choy kang. Longchoshi uy tyudi. Uy tyudi,” sa paraang galit na galit siya.

Diretso ang kanyang tingin sa camera, meron siyang sinusumbatan, pero wala naman siyang binabanggit na pangalan.

Ayon kay Japs Gersin, ang aming assistant at production designer ng Take It, Per Minute... Me Ganu’n!, ay marami na raw nagsalin sa Pilipino ng mga litanya ni Kim.

Ang sabi, meron daw sinisisi si Kim na kung sino kung bakit nawalan ng trabaho ang mga artista at empleyado ng ABS-CBN, iniisip ng iba na ang taong ‘yun daw ang tunay na dahilan kung bakit ipinasara ang kanilang network.

Komento ni prop, “Inulit-ulit ko rin ang pagtutok sa video ni Kim, pero sa isang tulad ko na ang alam lang sa Chinese, e, puro joke lang na tulad ng kosing gawlo (singkong lugaw) at tsong, si tsang? (uncle, nasaan si auntie?), e, wala rin akong naintindihan sa mga sinabi niya!

“Pero halatadong galit na galit siya, meron siyang pinatatamaan, wala nga lang siyang mine-mention na pangalan!” pahayag ni prop.

Mas matatas kasi sa Chinese at Cebuano si Kim Chiu, mas nakapaglalabas siya ng saloobin sa mga terminong bihasa siya, para nga naman wala na siyang maging sabit na tulad ng nag-trending na batas ng classroom na ipinanghingi na niya ng dispensa.

Pero ang ending, ang galit pala ni Kim ay patungkol sa coronavirus na hindi lang tayo ang pinahihirapan kundi ang buong mundo na inilabas niya sa TikTok.

Pero sa totoo lang ay panalo ang ABS-CBN sa pagtaya at pamumuhunan kay Kim Chiu. Kumbaga sa lalaki, kumpleto ang kanyang balls, hindi nagtatago at umuurong sa laban.

Maliit lang siya, patpatin, pero kumakasa siya sa laban. Buhay na buhay ang kanyang dugo sa pagededepensa sa network na pinagsimulan niya at nag-alaga sa kanya mula nu’n hanggang ngayong nakamit na niya ang mga pangarap niya.

Kinabog pa ni Kim Chiu ang mga kalalakihang kontratadong artista ng network na biglang nanahimik, walang komento, dahil natatakot silang ma-bash nang todo.

Wala nang pakialam sa mga bashers at trolls si Kim, ang mahalaga para sa kanya ay ang magpalutang ng pagmamahal, malasakit at pagtanaw ng utang na loob sa istasyong nagpabago sa takbo ng kabuhayan ng kanyang pamilya.

Tama ‘yun, hindi tayo nagbabasag ng pinggan na kinainan natin, hindi dapat binabalewala ang paglingon sa pinanggalingan.

Habang pinanonood namin ang video kung saan galit na galit si Kim ay bigla naming naalala ang isang eksena sa Pinoy Big Brother kung saan siya nag-ugat bilang kampeon.

‘Yun ang tagpo kung saan siya kumakanta sa may pintuan ng isang piyesang Chinese, napanood namin ‘yun, ang ganda-ganda ng pagkakanta niya na parang hiyang-hiya pa siya nu’ng ipinauulit na sa kanya.

May mga sablay sa buhay si Kim Chiu pero wala kaming makitang hindi maganda sa kanyang pagkatao. Sinsero kasi siya, hindi nagpapanggap, ‘yun ang dahilan kung bakit siya sinuportahan ng publiko.

Mga na-lockdown parang mga bilanggong nakalaya

Parang mga bilanggo na kalalaya lang ang mga kababayan nating naglisaw ngayon sa kalye. Hindi nga naman biro-biro ang dalawang buwang pagkakulong lang sa bahay.

Nakapailalim na ang maraming lugar ngayon sa modified community quarantine, marami nang pagbabago, pero binabantayan pa rin ang galaw ng ating mga kababayan.

Harinawang maging epektibo ang new normal na tinatawag, nakakapag-alala kasi ang ganito, makapananalamin tayo sa China na biglang nagluwag pero nagkaroon ng ikalawang sultada ang COVID-19 sa nasabing bansa.

Paulit-ulit ang panawagan ng DOH at ng ating pamahalaan na huwag na huwag kalilimutan ang paggamit ng face mask kapag lumalabas tayo ng bahay.

Pero maraming pasaway talaga, deadma lang sila sa anunsiyo, sa halip ay puro ang mga ipinagbabawal pa nga ang kanilang ginagawa.

Ayaw nilang maniwala na malakas makapanghawa ang pagbahing nang walang face mask, tinangay na raw ng bagyong Ambo ang masamang hangin, kaya lumalabas sila ng kani-kanilang bahay na wala na ngang gamit na face mask ay nangakahubad pa.

Hanggang may mga kababayan tayong nakikinig lang pero walang reyalisasyon, hanggang may mga pasaway na pansariling kapakanan lang ang iniisip at walang pakialam sa kanilang kapwa, totoong-totoo ang sinabi ni PRRD na COVID-19 is here to stay.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with