^

PSN Showbiz

Thai actor na nawalan din ng trabaho sa quarantine, pinuri nang mag-grab driver muna

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Thai actor na nawalan din ng trabaho sa quarantine, pinuri nang mag-grab driver muna
Thai actor

Kakatuwa ang nag-trending na story ng isang Thai actor (Amp) na habang walang trabaho ay nag-apply na Grab driver para kumita.

Tulad sa nararanasan ng bansa natin, naka-lockdown din ang Thailand kaya maraming nawalan ng trabaho kabilang na ang celebrities.

Kaya naman naisip daw nitong mag-Grab driver para may pagkakitaan.

Kita sa mga kumalat niyang photos na nakilala siya ng mga ibang naging costumer niya.

Ang mga Grab / Food Panda driver ang in demand sa nagaganap na coronavirus pandemic dahil sila lang ang pinayagang magtrabaho habang lockdown ang maraming bansa.

Umaasa sa kanila ang mga nag-stay at home para makapagpabili ng mga kakailanganin nila though sa Metro Manila kahapon ay marami na ang naglabasan dahil Modified Enchanced Community Quarantine na ang ipinatutupad as in mas maluwag na at nagbukas na ang ibang mall kaya dagsa na ang maraming tao.

Anyway, sana nga ma-inspire ang iba nating artista kay Amp na ang chika sa paligid ng showbiz dito sa atin ay mas pinipili ng ibang mga male star dito na umasa sa benefactor kesa pasukin ang mas marangal na trabaho tulad ng Thai actor na ito.

vuukle comment

THAI ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with