Ivana, nilinaw ang kumalat na video scandal

Ivana

Kamakailan ay napabalitang may kumakalat diumanong video scandal si Ivana Alawi sa social media.

Nilinaw naman ng sexy actress ang tungkol sa malisyosong isyung ito. “Nakikita ko siya pero dinidedma ko siya. Kasi unang-una hindi naman ako ‘yon. Sa mga taong nakakakilala talaga sa akin, alam nilang hindi ako ‘yon. Gusto ko siya i-address once and for all. Hindi ako ‘yung nasa video na ‘yon. in-edit nila ‘yon, nakakatakot actually ‘yung mga nagagawa nila sa internet,” paglilinaw ni Ivana.

Sikat na sikat ngayon ang sexy actress lalo na sa social media. Malapit nang pumalo sa pitong milyon ang subscribers ni Ivana sa sariling YouTube channel habang mahigit apat na milyon naman ang followers sa Instagram.

Ayon sa dalaga ay hindi siya ang tipo ng tao na masasangkot sa mga video scandal sa kabila ng pagkakaroon ng sexy image nito. “Alam kong mukha akong wild, liberated. Proud ako dito, you will never, ever see any scandal of mine on the internet. Unang-una, wala akong makukuha doon, ‘pag nag-video ako o nag-video ako nang nakahubad. Never ko siya naisip gawin, ever in my life. Tapos isi-send mo sa mga lalaki? Kahit mukha akong ganito never ko gagawin ‘yon. ‘Yung madi-disappoint ‘yung nanay ko sa ganoong bagay,” giit ng dalaga.

Ruffa, nag-quarantine ng 21 days

Simula ngayong araw ay mapapanood na sa oks.abs-cbn.com ang Love Thy Chika with Ruffa Gutierrez. Itatampok ng aktres sa naturang online show ang mga kasamahan sa teleseryeng Love Thy Woman. “Kasi galing ‘yon sa Love Thy Woman, ‘yung teleseryeng bida si Kim Chiu saka si Xian Lim. Ito naman, siyempre alam ko ‘yung mga taong nasa bahay lang, bored na bored na. Gusto nilang makipagchikahan sa mga tao. And ‘yon ang ibibigay namin sa kanila, chikahan portion, kwentuhan. Kasama siyempre ‘yung mga bida ng Love Thy Woman na talagang inaabangan ng fans ang interview nila. That’s every Sunday, 12 noon,” naka­ngiting pahayag ni Ruffa.

Matatandaang naging talk show host din noon ang aktres sa mga programang Ruffa & Ai at The Buzz sa ABS-CBN. Ayon kay Ruffa ay kailangang pakaabangan ng mga tagahanga ang mga pinakamaiinit na pasabog na hatid ng kanyang bagong online talk show. “Super shocking revelations lalung-lalo na si Sunshine Cruz talagang no holds barred. Si Kim, Xian, Eula, ac­tually lahat sila. Of course abangan n’yo rin si Papa Boyet de Leon dahil siyempre nag-positive siya for covid-19. Umiyak ako nang bonggang-bongga when I first found out that he’s positive.  Out of concern din kay Tito Boyet, nakaeksena ko siya nang sunud-sunod. Siyempre concerned din para sa lahat. We were praying for tito Bo that he gets well very soon. Siyempre nag-self quarantine din kami for fourteen days. I quarantined for twenty one days. Okay na si Tito Bo ngayon, ayaw kong sabihin ang mga sinabi niya, kailangan manood sila ng Love Thy Chika,” paglalahad ng aktres.

(Reports from JCC)

Show comments