JM
JM, ayaw masyadong mag-opinyon dahil sa ‘bangas’ ng past!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2020 - 12:00am

Isa si JM de Guzman sa mga bida ng digital film na Love Lockdown na napapanood na ngayon sa iWant.

Para sa aktor ay kakaibang karanasan ang paggawa nila ng bagong proyekto dahil sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon. Si JM mismo ang kumuha ng kanyang mga eksena para sa pelikula at maraming mga bagay din ang natutunan niya dahil dito.

“No’ng first part ng lockdown, nakita ko ‘yung sarili ko na may point do’n na parang gusto ko na (magkarelasyon). Pero imbes na ituloy ko, mas natakot ako because ‘yun ‘yung issue ko, ‘yung dependency sa relasyon, sa lahat ng bagay, substance. ‘Yon ‘yung pina-practice ko, ini-strenghten ko, mina-maximize ko ngayong lockdown na mag-isa ako. So I have to work on that pa. After, may excitement na gusto ko na mapanood ng buo. Fulfilling kasi considering ‘yung circumstances and ‘yung struggles na meron. At a time na walking time bomb na lahat ng tao, konting kanti mo lang pipitik na, magkakapitikan kayo. After mangyari ‘yon, masarap sa feeling na okay kami lahat, safe kami lahat, nagawa namin ‘yung trabaho,” paglalahad ni JM.

Samantala, nagbigay din ng opinyon ang aktor tungkol sa pagsasara ng ABS-CBN dahil sa pagkapaso ng prangkisa nito. Ayon kay JM ay talagang malaki ang naitulong ng Kapamilya network sa kanya.

“Punong-puno ako ng admiration sa istasyon na from the very beginning, ‘yung pinakitang humility sa gobyerno and nagpakumbaba ang mga bosses natin until now na sinara na. ‘Yung courage naman na pinapakita na patuloy pa rin tayo nagki-create, nag-e-entertain, nag-i-inform and for me personally, ang daming natulong sa akin ng ABS-CBN. Nabago niya ‘yung direksyon ng buhay ko and as much as I want to ipagsigawan ‘yon, mahirap dahil may bangas na ‘yung past ko. And I’ll just do it sa mga aksyon na pinapakita ko lang kung gaano naging kabait sa akin ‘yung ABS-CBN. Basta malaki naitulong sa akin at sa family ko and I’m really happy na sa project na ito na napabilang ako. Hindi ko alam kung sinasadya ko o hindi man pero sobra akong grateful. Pero nahirapan man sina direk dahil may anxiety attacks ako, thankful pa rin ako,” pagbabahagi ni JM.

Matteo may talent show kahit nasa bahay lang

Bukas ng gabi ay mapapanood ang ikalawang episode ng bagong online show ni Matteo Guidicelli na The Pop Stage mula sa Viva Artists Agency. Ayon sa aktor at host ay kailangang pakaabangan ng mga manonood sa Facebook ang bagong programa dahil kakaiba ang tema nito.

“When we have our normal shows, we have our directors and professional staff. Now it is you shooting your own material. We want to see your creativity. It’s very real and organic. That’s what’s exciting about this. It’s not professional. It’s just your own creativity,” paliwanag ni Matteo.

Maaaring magpadala ng audition video hanggang May 27 ang sino mang nais sumali sa bagong programa sa www.thepopstage.ph. Bukas ito para sa mga 13 to 24 years old na kumakanta, sumasayaw, at kahit ano mang talentong nakamamangha. Ang tatanghaling grand winner ay makapag-uuwi ng P1 million at magiging contract artist ng Viva Artists Agency sa loob ng isang taon.

 

 

JM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with