^

PSN Showbiz

Rhian walang trolls at hindi ma-eklay!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Rhian walang trolls at hindi ma-eklay!
Rhian

Naku Salve ha, talagang disoriented na ako sa oras at araw. At talagang meron na akong limot factor.

Kaloka, matapos akong i-bash ng mga hindi ko alam kung totoo ngang fans o baka tagasira kay Maine Mendoza at alipustain, never ako bibigyan ni Menggay dahil hindi kami close, at pagkatapos ko mag-thank you kay Rams David na manager niya, heto na ang isang mapait na katotohanan, huh huh huh.

Nakita ko ang text ni Michael na confidante ni Rhian Ramos at nagtatanong kung natanggap ko iyong nine boxes ng mineral water na ipinadala nila.

Sabi ko yes at na-IG ko na nga ang thank you kay Maine Mendoza. Hayun na, si Rhian Ramos pala ang nagpadala at dahil ang favorite niya ay iyon ZIP na ang endorser nga ay si Maine, ang buong akala ko si Maine ang nagpadala.

Hayan ha, favorite ni Rhian ang mineral water ni Maine ha, baka mag -react iyon mga baliw na meron yatang covid-19 sa utak.  Kaya laugh ako to death, matapos akong ma-bash, at totoo pala hindi ako pinadalhan ni Maine.

Gusto kong mag-thank you kay Michael at lalung-lalo na kay Rhian Ramos na ever since love ko dahil very sincere at hindi ma-eklay na tao.

Well, mas natuwa ako na malaman na si Rhian ang nagpadala, kasi wala siyang mga troll na tulad ng mga fake na fans ni Maine.  Honest at straightforward si Rhian, sincere at what you see is what you get, very loyal sa mga taong mahal niya like Michael. Thanks Rhian. Very well appreciated.

Mother’s Day sinira ng virus

Malapit na ang Mother’s Day. At sayang dahil usually big day ito sa ating lahat. Meron mga special movie na itinatanghal on this day, TV special at kahit sa musical live show binibigyan ng honor ang mga showbiz mother kasama na ang mga ordinary mom. Now, siyempre wala rin iyong crowd sa mga resto na makikita mo, wala rin iyong pamamasyal ng mga pami-pamilya, kaya nga isang napakalaking killjoy ni coronavirus, siguro wala siya mother kaya hayan sinira niya isang special na araw.

vuukle comment

RHIAN RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with