_ngayon
^
Luis nakatuwalya lang sa ASAP
ASAP

Luis nakatuwalya lang sa ASAP

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 27, 2020 - 12:00am

As if fresh from the shower si Luis Manzano nang lumabas sa ASAP Natin ‘To kahapon. Nakabalot ng towel ang katawan niya at buhok niya habang naka-Zoom ang lahat ng host ng ASAP.

Pandagdag aliw ang ginagawa ni Luis sa prog­rama para sa mga manonood nilang more than a month nang stay at home.

Birthday celebration na rin ang nasabing episode ni Luis, Regine Velasquez, and Daniel Padilla na kumanta pa.

Actually, naka-adjust na ang ASAP sa nasabing format kasama ang mga regular host na sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Sarah Geronimo, Billy Crawford, Zsa Zsa Padilla with performers pa.

Lea may book reading session din sa disney

Kasama si Ms. Lea Salonga sa Take Me to the World: A Sondheim 90th Birthday Celebration na magaganap ngayon at mapapanood sa YouTube channel and Facebook account ng Broadway - April 26, 8:00 p.m. sa Amerika, today, 8:00 a.m dito sa atin.

Ka-join ni Ms. Lea ang mga bigating sina Neil Patrick Harris, Lin-Manuel Miranda, Josh Groban, Meryl Streep at marami pang iba at may special participation pa si Staven Spielberg.

Last Saturday lang ay na-amaze ang lahat sa duet nila ni Regine Velasquez sa digital birthday concert ni Mrs. Ogie Alcasid na nakalikom ng P4.2 million.

Bukod dito ay meron din siyang reading session sa Disney social media account. Sa tweet kahapon ng Disney ay si Lea ang naka-assign  : “You’ll treasure this Jasmine tale from “5 Minute Princess Stories,” read by Disney Legend @MsLeaSalonga.”

Naging abala nga ang career ni Ms. Lea sa mga digital fund raising para sa frontliners simula nang kumalat ang coronavirus sa buong mundo.

LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with