_ngayon
^
Jessy nagpasalamat saâwonderful heartâ ni Luis
Jessy

Jessy nagpasalamat sa“wonderful heart” ni Luis

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 22, 2020 - 12:00am

Pagmamano makakalimutan na?!

Magkaroon na kaya ng wedding bells for Luis Manzano and Jessy Mendiola after ECQ (enhanced community quarantine)?

Naalala na naman ang isyung kasal sa kanila dahil birthday ni Luis kahapon.

Thirty nine years old na ang panganay nina Rep. Vilma Santos and Edu Manzano at masasabing kahit maapektuhan ang showbusiness ng health crisis dahil sa coronavirus, stable ang financial status ng TV host / actor dahil marami na ring siya mga nasimulang negosyo kaya puwede silang pakasal ni Jessy anytime.

Saka sabi nga ni Jessy, ‘rare’ si Luis kaya grateful siya sa boyfriend.

“You are rare. I’m grateful to have met such a man as you. I’ve always admired your patience and kindness. Not once have you made anyone feel uncomfortable in your presence. People light up when you walk into a room and you always make sure that every person you’re with feels important. Thank you for having such a wonderful heart. I wish you good health, happiness and more than anything else... what your heart truly desires. Happy birthday my love. I love you.”

Simple but sweet naman ang birthday greetings ni Ate Vi kay Luis.

“HAPPY BIRTHDAY
I LOVE YOU LUCKY”

Anyway, tulad ng karamihang naka-lockdown ngayon, nami-miss na rin ni Jessy na magsuot ng pang-alis sa bahay. More than a month na nga namang stay home ang karamihan, walang labasan kaya marami na ang nagkakaubusan ng damit na pambahay. Kaya nagpa-throwback siya nung minsan. “Who misses dressing up? This photo was taken 2 years ago for a feature. I kinda miss getting glammed up... that’s why today I’ve decided to dress up at home and shoot something for my YT channel!

“How about you? What have you been doing at home? Don’t forget to do something that makes you happy. Hope you have a wonderful Tuesday,” ang paalala ni Jessy.

Gumawa rin siya ng vlog kung paano labanan ang anxiety na nararanasan din ng ibang nasa bahay lang.

“I’ve shared some tips and I also wanted to give you a peek on what I’ve been doing at home to calm my heart and check up on my mind. Itong mga ipinakita ko sa video, personal ‘to ha. These are what I usually do, for myself.

“Always remember your mental health is also important. And we have to keep on reminding ourselves that we will get through this.”

Yes important bukod sa kinatatakutang covid-19, na ingatan ang mental health ngayong walang nag-expect na magkakaroon ng social distancing at hindi na pwedeng mag-mano na isang kaugaliang Pinoy. ‘Yung beso puwede pang iwasan, pero ‘yung pagmamano bilang respeto sa mas may edad baka tuluyan nang makalimutan dahil sa pag-iingat sa virus.

JESSY MENDIOLA LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with