Darren
Darren nakakaramdam ng self-doubt
SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2020 - 12:00am

Nakansela ang pagpunta ni Darren Espanto sa China upang sumali dapat sa The Singer. Umaasang matutuloy din ang pagsali ng singer sa naturang international singing competition kapag natapos na ang krisis na kinakaharap ng buong mundo dahil sa covid-19. “Hopefully po kung ma-lift ‘yung (travel) ban na ‘yon matuloy po and we’ll see what will happen. There’s a bit disappointment pero para sa akin masaya na po na nakapag-guest ako last year sa The Singer, ‘yung experience na ‘yon was enough na rin para sa akin. Hopefully po matuloy,” pahayag ni Darren.

Kahit bihasa na sa pagkanta ay aminado naman ang singer na nakararamdam siya ng pressure kapag sumasali sa mga singing contest. “Iba kasi talaga ‘yung pressure saka kaba kapag nagpe-perform. Kasi you know that you’re competing against other amazing singers. Ako po talaga minsan I have a lot of self-doubt in myself. Mas nauunahan ako ng kaba lalo no’ng nagbago ‘yung boses ko. Parang hindi ko alam kung anong gagawin. Thankfully bumalik naman po ‘yung range ko and I discovered new things also. Over the years po natutunan ko na ring gumawa ng mga sariling runs o mga kulot. When I was going puberty nawala talaga ‘yung falsetto ko ng a year and a half,” pagbabahagi niya.

Erik, gustongmag-try ng something bold pagkatapos ng quarantine

Maraming mga bagay ang natutunan ni Erik Santos ngayong nananatili lamang sa sariling bahay dahil sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa bansa. Para sa singer ay nawalan ng halaga ang mga materyal na bagay ngayong dumaranas tayo ng krisis dahil sa coronavirus disease 2019. “Parang nawala ang attachment ko sa material things. ‘Yung kahit gaano karami ang pera mo, kahit gaano kaganda ang mga gamit mo, hindi mo naman magamit kasi lagi kang nasa loob ng bahay,” paliwanag ni Erik.

“Ang isa sa reflection ko dahil sa lockdown na ito ay i-cherish mo ‘yung relationship with your friends, relationship with your family. And mas experienced ako now, mas gusto kong mag-invest sa magagandang experiences. After nito mas gugustuhin ko ang mag-travel kaysa bumili ng mga bagay na alam mong panandalian lang at hindi ganoon kapermanente,” dagdag pa ng singer.

Kapag natapos na ang enhanced community quarantine ay planong subukan ni Erik ang mga bagay na hindi na pa niya nagagawa kailan man. “Ayaw ko munang sabihin pero marami akong naiisip. Something bold, something na hindi ko pa nagagawa sa buhay ko. Life is short so gawin mo na ang gusto mong gawin. Kapit lang, magkikita-kita tayo muli at kapag nagkita tayo muli ay talagang hahandugan ko kayo ng maraming-maraming musika na alam kong ikakasaya ng inyong mga puso,” pagtatapos ni Erik. (Reports from JCC)

 

DARREN ESPANTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with