Ivana
Ivana, naranasang mag-ulam ng toyo sa kanin
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - April 7, 2020 - 12:00am

Aktibo si Ivana Alawi sa pagbibigay ng tulong para sa mga kababayang apektado sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa bansa dahil sa paglaganap ng coronavirus disease 2019.

Naisipan umano ng sexy actress na tumulong sa kapwa dahil naranasan din niya noon ang hirap ng buhay. “Actually nag-start siya noong nanonood ako ng balita. Tapos nakikita ko na ang daming nagugutom parang nalulungkot ako. Sabi ko naman ito pwede na, enjoy lang ako rito. Tapos nakikita ko ang ibang tao na naghihirap. So kahit nasa bahay ako ay may maitulong din. Akala ng lahat ng tao na hindi kami dumaan sa hirap, na hindi kami dumaan sa times na wala kaming makain. Dumaan din ako roon way, way back. I’ve been through it kaya alam ko ‘yung nararamdaman. Ang mama ko laging nangungutang kasi wala kaming makain. Dumating kami sa point na toyo at kanin kasi minsan walang mautangan. I’m thankful kasi nadaaan ko ‘yon. Alam ko isa siyang stepping stone. ‘Yon ang nagpu-push sa akin, ayaw kong maranasan ng ibang tao,” pagbabahagi ni Ivana.

Ngayong maganda na ang buhay ng aktres ay naniniwala itong kailangan niyang magbahagi ng grasya para sa mga kapwang mayroong pangangailangan. “Naisip ko rin na kaya ako bini-bless ni God is for me to share the blessing. Hindi siya i-keep, ayaw ko siyang i-keep. It’s best to give,” giit ng dalaga.

Malaki rin ang paghanga ni Ivana sa tinatawag na frontliners na patuloy na ginagawa ang mga tungkulin upang makapaglingkod sa mga nangangailangan. “Maraming salamat sa lahat ng frontliners. Kayo po ang aming modern day heroes. Dahil sa inyo naniniwala po kami na malalampasan natin ito. Maraming salamat at ipinagdarasal po namin kayo at inyong buong family. Sa mga team bahay, tiis-tiis lang and I’m sure malalampasan natin. Marami na tayong pinagdaanan na mas matindi. Isa lang itong pagsubok and kaya natin. Let’s unite as one, magsama-sama tayo,” pagtatapos ng aktres.

Erwan hindi inasahang magiging full time dad

Mahigit isang buwang gulang na ngayon ang anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Dahlia.

Kasalukuyang nasa Australia ang pamilya at ayon kay Erwan ay talagang nae-enjoy ang kanyang pagiging ama sa bata. “I would never have had the opportunity to spend this much time with my newborn to be a full time dad, which is something I never thought I’d be able to experience, just being at home every day,” pahayag ni Erwan.

Katulad sa Pilipinas ay dumaranas din ng krisis ang Australia ngayon dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga taong nagkakaroon ng COVID-19. “If you go online, you’re berated with the news about the virus day in and day out. It’s happening everywhere in the world. It’s the same thing here in Australia. They put it on the radio and TV every hour. The government keeps telling people to stay home. Here they are talking a lot about losing jobs. These are situations that everyone is experiencing. It’s important to know that it’s not just us. Whatever is happening in the Philippines, it’s everywhere else,” paglalahad ni Erwan. Reports from JCC

IVANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with