Luis, may panawagan sa pantawid na donasyon
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2020 - 12:00am

Nagbigay si Luis Manzano ng mga payo para sa lahat upang makaiwas sa coronavirus disease 2019 o covid-19.

Para sa aktor ay kinakailangang mag-ingat ang lahat at maging responsable sa lahat ng mga bagay na ginagawa. “Parati tayong maghugas ng kamay, mga twenty seconds. Ang gamit natin ay tubig, sabon, alcohol o di kaya mga alcohol-based rub. Gamitin talaga natin sa buong kamay. Siguraduhin natin na buong kamay ay nalilinis natin. Kapag babahing kayo, either takpan n’yo umatsing or umubo kayo sa may siko ninyo o hindi kaya ay pababa para hindi madamay ang ibang tao kung saka-sakali man na kayo’y aatsing or kayo’y uubo,” pakiusap ni Luis.

Para sa aktor ay mas dapat pang paigtingin ang social o physical distancing na ipanatutupad ngayon sa bansa. “Kumbaga ang layo natin sa ibang mga tao ay mga three feet. Ibig sabihin, kung sakali man na kayo ay babahing or uubo, kahit paano ay malayo sila. At ganoon din kung sila at aatsing or uubo, medyo malayo kayo. Kahit paano, mas safe kayo,” dagdag pa ng binata.

Nanawagan din si Luis sa mga Kapamilya na patuloy na magbigay ng tulong o donasyon para sa mga kababayang nabiktima ng covid-19. “Tumulong tayo sa napakaraming apektado ng covid-19. Kailangan nila ng pantawid na donasyon at pagmamahal. Kaya sa ating lahat, stay strong, stay healthy, stay one step ahead sa covid-19. God bless,” pagtatapos ng aktor.

Joshua nabuking kung gaano ka-excited halikan si janella

Kamakailan ay nagdiwang ng kaarawan sa Magandang Buhay si Janella Salvador. Nagbigay ng mensahe si Joshua Garcia para sa dalaga. “Gusto ko lang magpasalamat na naging kaibigan kita. God bless sa iyo and I’m happy that you are happy. And miss kita, miss ko na ang bonding natin together. Sana makita kita ulit soon,” mensahe ni Joshua. “Joshua, magkikita lang tayo kapag di ka na busy, busy ka rin eh,” sagot naman ni Janella sa aktor.

Isa si Maja Salvador sa mga aminadong kinikilig sa tambalan nina Janella at Joshua sa teleseryeng The Killer Bride. “Kasi cute naman talaga silang parehas. Ang natural (ng sweetness) at saka open naman si Joshua noon, sinabi niya na crush niya si Janella ever since. So siyempre ate ako nung dalawa. ako ang laging nakakasama, I think karapatan kong kiligin. At saka may chemistry sila hindi pilit,” nakangiting pahayag ni Maja.

Hinding-hindi umano makalilimutan ng aktres ang unang pagkakataon na naghalikan ang JoshNella sa isang eksena. “After nang pagka-kiss ‘yung first time tumalon (si Joshua), akala mo nanalo ng jackpot. Saka kitang-kita n’yo kapag ini-slow mo (motion), kitang-kita n’yo si Joshua, ang layo pa ng lips ni Janella eh nakanguso na siya. Kaya sabi ko sa kanya, ‘Hindi halatang excited ka talaga.’ Ang saya ng mukya niya,” natatawang kwento ni Maja. (Reports from JCC)

JOSHUA GARCIA LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with