^

PSN Showbiz

Kim napagkamalang pulitiko kaya pinagbabaril?!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kim napagkamalang pulitiko kaya pinagbabaril?!
Kim

Nakakatakot ang kuwento ng isang source sa totoong biktima ng riding in tandem na rumatarat sa van ni Kim Chiu.

Ayon sa source, isang pulitiko diumano ang target ng tandem na bumaril ng walong beses sa sasakyan ng Kapamilya actress.

Same car daw kasi ito sa nasabing black van ni Kim na nagkataong dun din nakatira sa village na tinitirhan ni Kim.

Kaya naman talagang hindi raw biro ang pinagdaraanan ngayon ni Kim at kanyang pamilya na kung bakit naman kahit hindi naman alam ng ibang tao kung ano talaga ang nangyari panay ang comment nila.

Pamilyado raw ang na­sabing pulitiko kaya maingat itong hina-handle ng mga pulis na nag-i-investigate.

Ayon sa source, naka-schedule daw sanang magpa-interview ang ‘real target’ pero hindi natuloy.

Pero kahapon ay nakausap na raw si Kim ng mga pulis sa isang hotel para kunan ng salaysay sa mga nangyari three days ago.

Ayaw na ring magpa-interview ni Kim at nire-refer na nila sa lawyer ang lahat ng mga gustong mag-interview sa Kapamilya actress na nagpakita ng kakaibang professionalism nang magtrabaho pagkatapos ng ambush incident.

Walang post si Kim lately sa kanyang social media accounts.

At kung ayaw siyang tigilan ng ibang tuloy ang pagdududa sa nangyari na kesyo drawing ang lahat, hindi naman tumitigil ang fans ni Kim sa pagtatanggol sa kanya.

Sino nga namang normal ang isip na magpapa-baril sa rinding in tandem para lang ma-damage ang sasakyan niyang costumized na parang hotel?

Kilala ring hindi gimikera ang actress kaya tiyak na papansin lang ang mga nagdududa sa nangyari sa kanya.

 

vuukle comment

KIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with