Lorna nagsalita sa pambubuhos ng tubig ni Coco!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - February 28, 2020 - 12:00am

Isa si Lorna Tolentino sa umaasang maayos ang isyu ng pinsan niyang si Robin Padilla sa mga taga-ABS-CBN, lalo na ang kay Coco Martin.

Mabuti nga at hindi na ito pinatulan ni Coco, kaya hindi ramdam na may iringan sa dalawang aktor.

Isa ito sa isyung pinag-usapan sa mediacon ng Beautederm kahapon na kung saan pu­mirma ang Grand Slam Queen ng isa pang taon bilang brand ambassadress ng Beautederm.

Isa si Lorna sa paboritong aktres ni Ms. Rhea Anicoche-Tan, at wala siyang kaproble-problema sa magaling na aktres, kaya hindi raw puwedeng hindi ito mag-renew sa kanya.

Sabi naman ni Lorna, okay na okay sa kanya na unli na ang kontrata niya sa Beautederm lalo na ngayon nagsisimula na siya sa online selling at malapit na raw siyang magka-store.

Hiningan doon ng reaksyon ang magaling na aktres tungkol sa pasabog ni Robin na binubuhusan daw ni Coco ang ibang crew sa set habang natutulog.

Pinabulaanan naman ni Susan Roces ang ganung kuwento, na wala raw siyang nakitang ganun.

Hindi rin niya alam na may ganung isyu. Pero kung sakaling totoo man at biruan o laro lang daw ito sa set ng Ang Probinsyano, hindi naman daw maiwasan ang ganung biruan, lalo na’t matagal na rin naman silang nagsasama sa trabaho.

Sabi nga ni LT, kahit nung araw ay may mga ganung biruan na raw sa set na parang may spray ng tubig na minsan naninigarilyo ka, hindi mo napansin napatay na pala dahil na-spray na raw ng tubig. “Dumarating naman yung mga pagbibiro na ganyan, basta hindi lang nakakasakit. Basta hindi nasaktan yung tao, okay lang,” pakli ni Lorna.

Pero dito sa isyu nina Robin at Coco, sana meron daw mamagitan na parehong hindi raw nila matanggihan para makapag-usap at maayos ang mga isyu o kung meron mang samaan ng loob.

“Sa ngayon siguro, hindi pa sila nagkakausap pero magkakaintindihan din sila,” pahayag ni Lorna.

Kung buhay lang daw sana ang nasirang asawang si Rudy Fernandez, puwede itong tumayong peacemaker.

Pagkatapos ni Lorna sa Ang Probinsyano ay magpapahinga raw muna si Lorna at wala muna siyang tatanggaping trabaho.

Nathalie hindi takot kay Ivana

Ngayong araw ang lipad ni Nathalie Hart pa-Japan para sa shooting ng pelikulang Steal na ididirek ni Bona Fajardo under Viva Films.

Lalo pa ngang pumayat ngayon si Nathalie at sumeksi, kaya kahit alam naman ng lahat na may anak na siya, nalilinya pa rin siya sa mga sexy projects.

Okay lang daw sa kanya na magpa-sexy pa rin pero namimili na siya ng mga magagan­dang projects at hindi iyung basta hubad na lang nang hubad.

Ayaw na nga niyang tawagin siyang sexy star, dahil mas gusto na raw niyang malinya sa mga aktres na akting ang ipinupuhuhan, hindi ang pagpapakita ng katawan.

Bago pa kasi sumikat si Ivana Alawi, siya na ang namamayagpag noon sa pagpapa-sexy, pero naudlot lang dahil sa nabuntis siya.

Wala naman daw siyang pagsisisi, dahil masa­yang-masaya na raw siya sa kanyang anak.

Kaya hindi niya naisip na ikumpara o sabihing threat na sa kanya ang pagpasok ni Ivana dahil tapos na raw siya sa panahong iyun. “It’s not a threat kasi at the end of the day, she has her own market, may market din ako.

“Kumbaga siguro naku-compare lang kami, sina Ellen (Adarna) and everything kasi lahat kami nagpapa-sexy.

“Pero in terms of kung threat…bahala na.

“Sa akin naman it’s not about being on the top. It’s about having a job. “As long as I exist and I still have a job, that’s important to me,” deretsong pahayag ng 27-year old sexy actress.

Bukod sa gagawin niya sa Japan ay ginagawa pa rin ni Nathalie ang pelikulang Kungyari Mahal Kita kasama sina Ryza Cenon at Joseph Marco, at ang Pakboys kasama naman sina Andrew E at Janno Gibbs. Ngayon ang pelikula niyang Sunday Night Fever kasama si Diether Ocampo.

LORNA TOLENTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with