Carlo gusto na uling maging friend si Angelica

MANILA, Philippines — Gusto pa rin ni Carlo Aquino na bumalik sa dati ang friendship nila ni Angelica Panganiban.

Common knowledge na ‘malalim’ ang mga naging hugot ng actress sa ex, though ngayon ay civil na sila pag nagkikita.

“Oo, kasi sayang, eh, di ba? Totoong tao rin naman si Angge, mabait. So, kahit ‘yung friendship,” sabi Carlo kahapon sa launching ng Spruce & Dash ng Beautederm na pareho nilang ine-endorso ni Arjo Atayde.

Willing din siyang maka-trabaho uli ang actress if ever na may magandang project. “Hindi ko pa alam kung gugustuhin nila ‘yun or may mga violent reactions pero sa tingin ko ay okay naman, pero hindi pa siguro sa ngayon,” pahayag ni Carlo na muntik na pala nilang makasama as Beautederm endorser. Ayon nga lang kay Ms. Rhea Anicoche-Tan, President and CEO of Beautederm, hindi nga lang daw ito pumuwede that time. At ok lang din sanang makasama ni Carlo ang ex sa mga mall tour kung natuloy nga.

Anyway, Ms. Rei ang mag-i-sponsor ng kasal ni Carlo sa girlfriend nitong si Trina Candaza.

Iniisip na ngayon ni Carlo na magpakasal. Na kung sabagay ay parang nasa tamang edad na naman dahil 34 na siya.

 “Siyempre, nasa tamang edad na rin ako, 34 na ako. Titingnan natin sa mga susunod na ano, na buwan, taon?”

Pero, hindi niya raw ise-secret ha.

So ito na ba ang the one?

 “Oo. Final answer,” sagot niya.

 “Nag-iba ‘yung outlook ko siguro sa buhay, mas magaan, happy,” sabi niya sa relasyon nila ni Trina na more than a year now.

Hindi pa niya iniisip na mag-propose, basta ngayon daw stable ang relasyon nila ng non-showbiz GF.

By the way, ang mga produkto ng Spruce & Dash ay kinabibilangan ng Beau Charcoal Soap; Hugh Shaving Cream; Brawn Anti-perspirant White Spray for both foot and underarms; Charcoal Charmer Detoxifying Peel-off Mask; at Lad Hair Pomade.

Show comments