^

PSN Showbiz

Nanay ng isang actress-singer mahusay mag- ‘shopping’

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Palaging kasama sa pakete ng pagso-show sa ibang bansa ng mga ipinagmamalaki nating singers at artista ang pag-iikot sa mga sponsors ng kanilang concert.

Kailangan nilang gawin ‘yun sa halip na motorcade, isa-isa nilang dinadalaw ang mga shop ng mga sponsors para pasalamatan, kasama ‘yun sa usapan.

Kuwento ng aming source, “Kailangan din silang mag-ikot para malaman ng mga Pinoy sa ibang bansa na duma­ting talaga sila. May mga fly by night producers kasi!

“Magbebenta sila ng tickets pero hindi naman dumara­ting ang mga performers nila! So, kapag nagpupunta sila sa shop, tindahan o kung anumang negosyong meron ang sponsor, kumakalat agad na dumating ang mga artistang nasa ticket!” unang kuwento ng aming impormante.

Kilalang-kilala ang ina ng isang sikat na female performer sa kakaiba nitong atake kapag nag-iikot na ang mga artista at singers sa kanilang mga sponsors.

Kuwento uli ng aming source, “Kabog silang lahat ni mommy! Nagsosolo siya ng lakad! Habang nagkakagulo sa pagpi-picture taking ang mga nasa tindahan, kinakausap niya naman ang owner ng store!

“Ang sasabihin niya, ‘Naku, gustung-gusto ni ____(pangalan ng kanyang anak) ang produktong ‘yan!’ Natural, bibigyan naman siya nu’n ng may-ari ng tindahan!

“Kapag nasa shop naman ang mga performers, ang unang hahanapin ni mommy, e, ang owner ng shop! Pipili siya ng kung anu-ano sa shop, tapos, sasabihin niya sa owner, ‘Kumuha ako nito, kasi, ito ang gustung-gustong ginagamit ng anak ko kapag nasa bahay lang siya. Malambot kasi ang fabric.’

“Siyempre naman, mahihiya ang may-ari ng shop, hindi na ‘yun pababayaran kay mommy, bigay na lang at dadagdagan pa nga! Magaling gumawa ng paraan ang mommy ng singer-actress para makalibre siya!

“So, kapag pabalik na sila sa hotel, e, takang-taka ang mga kasamahan nila kung bakit maraming dala-dala si mommy! Nag-shopping ba siya?

“Kabog sila ng mommy ng singer-actress, para-paraan nga lang naman ‘yun! Nagkakaroon ng mga stuff ang anak niya nang hindi na sila naglalabas ng datung!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Minsan, napahiya si mommy, kumuha kasi siya ng mga chocolates sa isang store na sponsor ng show ng kanyang anak. Ang dami-daming kinuha ni mommy.

Sinabihan siya agad ng namamahala sa show, “Bakit po kayo kumukuha ng mga tsokolate? Di ba, pinagbabawalan n’yong kumain ng ganyan ang anak n’yo, dahil makasisira sa boses niya?”

Pagtatapos ng aming source, “Nakalimot si mommy! Ipangpapasalubong sana niya ang mga tsokolateng ‘yun sa mga kamag-anak nila pagbalik ng Pilipinas, pero nabulilyaso ang drama niya!”

Ubos!

Sarah walang nagawa kundi humagulgol

Nu’ng kasalukuyang nagaganap ang komos­yon sa Red Crab restaurant kung saan nag-dinner ang mga bagong kasal na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo kasama ang kanilang mga bisita ay tinawagan na agad ng aktor si Boss Vic del Rosario.

Kailangang may mamagitan sa gulo dahil napakainit ni Mommy Divine na bukod sa pagsigaw-sigaw at pagbabasag ng pinggan ay inaalala ng lahat ng mga nandu’n si Sarah na puro hagulgol na lang ang nagawa nang dumating ang naghihisterya niyang ina.

Kinausap ni Boss Vic si Mommy Divine, pinagpaliwanagan na tapos na ang kasal, nangyari na ang lahat at nasa wastong edad na ang kanyang anak para magdesisyong mag-asawa na.

Kuwento ng aming source, “Nu’ng biglang sumugod si Mommy Divine, e, parang nakakita ng multo ang lahat ng nasa function room! Nagwawala kasi siya, puro masasakit na salita ang binibitiwan niya!

“Natural, sumasagot na rin ang parents ni Matteo, sobra naman kasing minamaliit na ni Mommy Divine ang anak nila! Kundi dumating agad si Boss Vic at ang isa pang businesswoman na kaibigan nila, e, baka sa kung saan na umabot ang pagkakagulo nila!” kuwento ng aming impormante.

Dumating si Mang Delfin, ang ama ni Sarah, pero hindi na ito pinayagang makalapit sa restaurant ng mga security ng hotel.

Sabi uli ng aming source, “Nakakaawa naman si Sarah, laging sinasabi ni Mommy Divine na baka atakihin ang daddy niya. Nangi­nginig daw, hindi makahinga, natural lang na nakukunsensiya ‘yung tao!”

May nakapagsabi sa kanila na sa fire exit daw dadaan sina Matteo at Sarah palabas ng hotel, nag-abang naman si Mang Delfin at ang kanyang mga kasama, pero wala silang nakitang Matteo at Sarah sa fire exit.

May kinuhang room sa Shangri La ang mga bagong kasal, pati ang pamilya ni Matteo, du’n sila nagpalipas nang magdamag.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with