^

PSN Showbiz

ABS-CBN hindi tuloy ang pagsasara?!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
ABS-CBN hindi tuloy ang pagsasara?!
Mr. Katigbak

Ang daming ganap sa paligid kahapon.

Umaga pa lang ay tinutukan na ang Senate hearing ng Committee on Public Services chaired by Sen. Grace Poe hanggang early afternoon.

Kahapon din ng hapon ay nagsumbong naman kay Raffy Tulfo ang bodyguard ng bagong kasal na si Sarah Geronimo na si Jerry Tamara na umano’y sinuntok ni Matteo Guidicelli.

May issue sa pagdami ng coronavirus sa South Korea kaya via livestreaming lang ang naganap na press conference ng BTS para sa bago nilang album.

At ang international news na nag-resign si Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad.

Whew talagang ‘busy Monday.’

Anyway, lumabas sa nasabing hearing na walang sinuway na batas ang giant network sa BIR, DOLE, SEC at NTC.

Klarong naipaliwanag ng mga ABS-CBN executive particular na sina Mr. Carlo Katigbak ang mga katanungang pinupukol sa network.

Doon na rin nanghingi ng sorry ang executives ng Kapamilya Network sa hindi nga naipalabas na ad ni President Duterte noong 2016 at sa umano’y black propaganda ad against Pres. Digong na tumatakbo pa lang noong presidente. “Today, we want to make a categorical statement together with our chairman Mark Lopez that ABS-CBN does not and will not have its own political agenda,” pahayag ni Mr. Katigbak.

Sinabi rin ni Mr. Katigbak na “first come, first served” ang political ads eh 2 minutes lang pala per hour ang ad na puwedeng ipalabas.

Bukod sa nasabing hearing, nagsagawa rin ng ‘walk of faith’ for the renewal of the ABS-CBN broadcast franchise ang mga employee na sinamahan ng mga ibang artista like Coco Martin, Regine Velasquez, among others.

Ang klaro lang dun, hindi agad-agad magsasara ang network dahil ayon sa DOJ maraming ibang kumpanya ang na-expire ang franchise pero hindi naman sila pinasara habang dinidinig pa ang franchise renewal.

Nauna nang lumabas na sa March 30, 2020 ang expiration ang franchise nila.

Dumalo rin sa hearing ang kilalang supporters ni Pangulong Digong na sina Phillip Salvador and Robin Padilla.

Nag-trending naman si Mr. Katigbak habang on going ang hearing dahil sa pagiging grace under pressure nito, cool at pagiging dignified. Alam na alam niya ang sinasabi at walang sarcasm sa kanyang mga pahayag.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with