^

PSN Showbiz

Mommy Divine Legit ang pag-ayaw sa itinagong kasalan ng AshMatt?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Mommy Divine Legit ang pag-ayaw sa itinagong kasalan ng AshMatt?!
Mommy Divine

Lumabas na masamang-masamang ina

Natural, ang kontrabida sa kuwentong ito ay ang nanay ni Sarah Geronimo. Bigla kasi siyang dumating eh hindi naman siya invited, dahil itinago nga sa kanya, at nagtangka pang awatin ang kanyang 31 taong gulang na anak na magpakasal sa boyfriend na si Matteo Guidicelli. Kung anu-ano ang sinasabi nila laban sa nanay ni Sarah, kesyo ayaw daw pakawalan ang anak dahil mawawalan na ng naghahanap-buhay sa kanilang pamilya.

Masakit na akusasyon iyon laban sa isang ina. Kung iisipin, napakasakit na ngang malaman na ang anak mo mismo nakipagsabwatan para mailihim sa iyo ang kanyang pagpapakasal, na para bang sinabing wala ka nang halaga kung ikukumpara sa pag-ibig niya.

Masakit iyon, kaya sa palagay namin hindi na dapat dinadagdagan pa ng trolls ng masasakit na salita at komento gayung wala naman silang kinalaman sa buhay ng pamilya.

Pero may valid objections ba ang nanay ni Sarah?

Siguro ang una nga ay may kinalaman sa relihiyon. Ang pamilya nina Sarah, particularly ang nanay niya ay isang debotong Katoliko. Maaaring isa iyon sa mga dahilan kung bakit siya nagkaroon ng objections sa pagpapakasal ng kanyang anak sa isang Evangelical church.

Ang properties ni Sarah, na kung ilang taon nga naman niyang pinagpagurang mag-isa. Hindi naman sinabi ng nanay ni Sarah na ilipat muna sa kanila at kanila na iyon. Maaaring gusto lamang niya mailipat sa kanila para maging maliwanag kung ano ang properties na naipundar niya habang dalaga pa siya, na tiyak na masama sa conjugal properties nilang dalawa ng kanyang asawa.

Pangatlo, ano nga ba ang mahigpit na dahilan para itago ang kasal maging sa mga magulang ni Sarah? Mayroon ba silang CoVid 19? Mayroon ba silang sakit na nakakahawa? Nakakahiya ba ang magiging pagdalo nila sa kasal na iyon? Hindi sa nakikialam ha, pero wala kaming nakikitang sapat na dahilan para ang magulang ay huwag isama sa isang okasyong ganoon.

Ewan, kasi sa paniniwalang Kristiyano, maging Katoliko man o Born Again, o Evangelical church, naroroon ang ika-apat na utos ng Diyos. “Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina, upang ikaw ay magkaroon nang mahabang buhay sa pook na inilaan ng iyong Diyos sa iyo. (Exodus 20:12).”

Marco hindi nag-take advantage sa laplapan kay Lovi

Matindi ang kissing scene nina Marco Gumabao at Lovi Poe na nakita sa trailer pa lang ng kanilang pelikula. Sabi nga ng director na si Joel Lamangan na siyang gumawa ng pelikulang Hindi Tayo Pwede, hindi raw sana ipapakita iyon sa trailer ng pelikula. Pero alam naman ninyo, ang gumagawa ng desiyon kung ano ang ilalagay sa trailer ay ang marketing team ng pelikula.

Pero ang maganda ngang usapan, sa kabila ng init ng eksenang iyon, hindi naman daw nag-take advantage si Marco kay Lovi. Aba maaari niyang lagyan ng malisya ang kanilang ginawa, after all iyon ang sinasabi sa eksena, pero naging gentleman siya at hindi nagsamantala. “After all ang gumagawa noon ay iyong character, hindi naman ako,” sabi pa ni Marco.

Aba, ibang artista ang may ganyang katuwiran ha. Naihihiwalay niya ang kanyang perso­nalidad sa kanyang pagiging propesyonal. Nakikita mo na naroroon ang respeto, dahil sinasabi nga niya ngayon lang sila nagkasama sa pelikula, pero matagal na silang magkakilala.

Siguro nga masasabing baguhan si Marco, pero professional ang kanyang approach. Siguro nga nagpapa-sexy rin siya sa pelikula, pero kasabihan na nga hindi siya iyong tipong bastusin.

vuukle comment

MOMMY DIVINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with