Ji Chang Wook ‘di tuloy sa fan meeting

Ji Chang Wook

Super idol ni Jinkee natakot sa coronavirus!

Oww hindi tuloy ang fan meeting ng Korean actor na si Ji Chang Wook sa Manila.

Ang rason pa rin, ang coronavirus o COVID-19.

Kasama sana ang Pilipinas sa Ji Chang Wook 2020 Asia Tour Fan Meeting.

Walang ibinigay na announcement ang agency ni Ji Chang Wook kung kailan ito itutuloy.

Super idol ni Jinkee Pacquiao si Ji Chang Wook kaya tiyak na isa siya sa mga nanghinayang sa naudlot na fan meeting nito sa Manila.

Maalalang pinuntahan pa ng pamilya Pacquiao si Ji Chang nang mag-Christmas break ito sa military training.

Di agad noon nailabas ang picture nila dahil bawal diumano dahil baka ma-question ng Korean actor.

Kabilang sa sumikat na K drama nito ang Suspicious Partner and K2.

Show comments