^

PSN Showbiz

Male personality walang kupas ang katamaran! Laging nagdadahilan pag may commitment

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Male personality walang kupas ang katamaran! Laging nagdadahilan pag may commitment
Mariel

Male personality walang kupas ang katamaran! Laging nagdadahilan pag may commitment

Puro pag-iling na lang ang nagawa ng lahat ng nasa umpukan isang gabi tungkol sa sobrang katamaran ng isang kilalang male personality.

Iisa lang ang kanilang reaksiyon, sila man ang misis ng male personality ay hindi rin sila makatitiis, hihiwalayan din nila ang lalaking personalidad.

Kuwento ng isang source sa umpukan, “Wala talagang makatatagal sa katamaran ng lalaking ‘yun! Mauubusan ka talaga ng pasensiya sa kanya!

“Para bang hindi na siya nangangarap, para bang iniaasa niya na lang ang buhay niya sa mga taong alam niyang hindi makatitiis sa kanya, napakatamad niya talaga!

“Tama bang umasa na lang siya sa pamilya niya? Pa­libhasa, e, alam niyang hindi siya matitiis ng mga magulang niya, kaya ‘yun ang nagpapalakas ng loob niya!” sabi ng impormante.

Tumatanggap siya ng mga trabaho, pero pagdating ng mismong araw, bigla na lang siyang hindi dumarating. Marami siyang dahilan.

Patuloy ng aming source, “Sobrang gasgas na ang mga ibinibigay niyang dahilan kung bakit hindi niya nasisipot ang mga tinatanggap niyang work!

“Kesyo nagkaroon siya ng lagnat, kesyo biglang sumakit ang tiyan niya, hindi niya kayang kumanta, dahil CR siya nang CR!

“Ang dami-dami niyang idinadahilan, pero ang totoo, e, umiral na naman ang walang kamatayan niyang katamaran! Napakarami nga namang araw sa mundo, pero bakit tumataon pa ang pagkakasakit niya sa mismong date ng performance niya?

“Kaya hindi natin masisisi ang wife niya kung iniwan man siya, e! Natural, sino namang babae ang makaka­tagal sa isang asawang iiwan niya nang nakahiga, dadatnan niya rin nang nakahiga pa rin?

“Nagpapakahirap sa pagtatrabaho ang wife niya, inuumaga sa taping at shooting, pero nakahiga lang siya sa maghapon! Bestfriend niya ang mga gadgets niya, ‘yun lang ang kasama niya palagi, laro lang siya nang laro ng mga favorite games niya!

“Kailan nga kaya magigising sa katotohanan ang taong ‘yun na hindi na siya bumabata? Tumatanda na siya, sa totoo lang! Ibang-iba na ang itsura niya, pasyuba na siya nang pasyuba dahil hindi naman kasi siya kumikilos at palaging nakahiga lang!

“Give na give na kung sino ang male personality na ito, galing siya sa malaking pamilya ng mga singers at artista!” naiinis na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Mariel ipit na ipit sa pinaggagawa ni Robin

Dahil sa mga ginagawang pagpapatutsada ngayon ni Robin Padilla laban sa ABS-CBN at sa kanyang mga kapwa artista ay maraming nag-oopinyon na hindi na babalik pa sa It’s Showtime si Mariel Rodriguez.

Siguradong umaaray rin si Mariel ngayon sa mga ipino-post ng kanyang asawa. May mga kaibigan din itong nasasaktan. Saan ngayon lulugar si Mariel?

Napakahirap ng katayuan ngayon ng TV host dahil sa pagiging takleso ng kanyang mister. Ipit na ipit si Mariel sa pagitan ng network na pinagli­lingkuran nito at sa kanyang asawang hindi na lang kasi diretsuhin na ang pagpapasarado sa ABS-CBN ang kanyang sigaw.

Komento ng kaibigan naming propesor, “Ako man si Mariel, e, hindi na ako babalik pa sa It’s Showtime. Ano pang mukha ang ihaharap ko sa show kung ganyan na puro bira sa istasyong pinagtatrabahuhan niya ang asawa niya?

“Walang concern si Robin sa mga taong mahal niya at nagmamahal sa kanya. Masyado siyang selfish, ang sarili lang niya ang iniintindi niya!” madiing komento ni prop.

May reaksiyon din si SOS tungkol sa inaasal ngayon ni Robin, ang kanyang sabi, “Eversince po, e, hindi namin gusto ‘yang si Robin na saksakan nang yabang magsalita!

“Although tumutulong nga siya sa maliliit, dapat, e, kinakambalan niya ‘yun ng pagiging humble at tactful. Palagi pang may religious tone ang mga hanash niya, pero hindi naman nakikita ‘yun sa mga sinasabi niya na puspos siya ng anumang kabanalan!

“Lata siyang walang laman, kaya maingay lang siya, walang kasusta-sustansiya ang mga pinagsasasabi niya!” makahulugang komento ni SOS.

Ilang taon na lang mula ngayon at magbabagong muli ang administrasyon. Tanong ng mas nakararami nating kababayan, ano ang kahihinatnan ng kapalaran ni Robin Padilla, matutulad kaya siya sa maraming pulitikong ipinaglihi sa paruparo sa pagdapo sa kung alin at anong bulaklak ang pinakamabango.

vuukle comment

MARIELLE PADILA

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with