_ngayon
^

PSN Showbiz

Maymay at Edward teleserye postponed ang taping dahil sa covid-19!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Maymay at Edward teleserye postponed ang taping dahil sa covid-19!
Edward and Maymay

Hindi muna itinuloy ang taping ng bagong teleserye nina Maymay Entrata at Edward Barber na Heart to Heart dahil sa Japan dapat kukunan ang ilan sa mga eksena para sa bagong proyekto. Hindi pa makapunta sa Japan ang grupo ng naturang serye dahil sa coronavirus disease 2019 o covid-19 travel restrictions. “Ngayon po kasi inayos ‘yung script namin. Kasi nga ‘yung nangyari sa corona virus na laging safety first. Lalo na ‘yung flights ngayon, dahil nga po sa location na target namin is Japan. Kami ni Edward sobrang masasabi namin na handa na kami at sobrang excited na kami,” pagbabahagi ni Maymay.

“So let’s just see what happens, pray for it. I’m sure things will be fine. But it’s just a little bit of a pause muna. Reevaluate, kasi it’s not something to rush. For me, I wanna do more work. Of course, we’ll do everything that we can to help it push through. And give everyone what we’ve said they’re getting,” dagdag naman ni Edward.

Bilang paghahanda sa bagong serye ay kinailangang mag-acting workshop at Japanese lessons ng MayWard. 

“Sa ngayon po talaga mas masasabi namin na focused kami sa proyektong ibi­nigay sa amin. Hanggang ngayon naman patuloy pa rin po kami nagwo-workshop saka Japanese lessons though na-cancel po ‘yung first taping day namin. Na-cancel po dahil sa revision,” kuwento ng aktres.

Ayon naman kay Edward ay nakatakdang ipalabas ngayong taon ang kanilang bagong teleserye ni Maymay pero kailangang maging pulido muna ang script bago makapagsimula ng taping. “Dahil na rin sa characterization, para sigurado lahat, para maayos lahat, kaysa magbabago-bago. So ‘yun, I think it’s close. Pero tingnan na lang po natin,” paglalahad ng aktor.

Samantala, malaki ang pasasalamat nina Maymay at Edward sa mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa kanilang tambalan. “Hanggang ngayon nandito pa din sila. ‘Yung suporta nila kasing laki pa din ng pagmamahal na binibigay nila sa amin. Gano’n din kami ni Edward sa kanila, mahal namin sila. Tini-treasure namin ang every moment na napi-feel na nabibigyan pa rin kami hanggang ngayon ng halaga,” nakangiting pahayag ni Maymay.

Ayon kay Edward ay malaki rin talaga ang kanilang responsibilidad ng aktres na masuklian ang pagmamahal sa kanila ng mga tagahanga ng MayWard. “There’s a responsibility there to our fans who love us so much. We have to make sure everyday kahit paano, ibabalik namin‘yung pagmamahal na binibigay nila. Thank you to everyone, you guys are amazing. We’ll just keep doing what we do. And with you guys by our side and us by yours, we’ll do our very best to make you happy everytime. So here’s to more years together,” pagtatapos ni Edward.   (Reports from JCC)

EDWARD BARBER MAYMAY ENTRATA MAYWARD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with