Dennis at Jennylyn
Franchise renewal ginawang joke ni Alex sa concert nina Dennis at Jennylyn
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2020 - 12:00am

Nakakatuwa ang magkasintahang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na nagbunga ng maganda ang kanilang relasyon, dahil sa nabuo nilang YouTube channel.

Dito nabuo at iprinodyus nila ang Valentine concert nilang CoLove Live na ginanap sa New Frontier Theater nung nakaraang Sabado, February15.

Napuno ang buong theater at sold out nga raw na paulit-ulit na sinasabi ni Dennis na ‘sold-out concert’.

Na-enjoy namin ang CoLove Live dahil ang gaganda ng mga line up ng mga kanta nila.

Hinati sa tatlong chapters ang naturang concert na hango sa kuwento ng kanilang relasyon.

Kung paano nagsimula ang kanilang relasyon, inilahad sa chapter 1.

Ang chapter 2 naman ay Heartache na bukas naman daw sa publiko ang kuwento ng kanilang hiwalayan.

At Second Chance naman ang kanilang chapter 3 na ang buong akala ng karamihan doon na magpu-propose si Dennis.

Napuno ng special guests ang naturang concert, kaya hindi naman gaanong napansin ang ‘di pagsipot ni Janno Gibbs na ka-duet sana ni Jennylyn ng Moments of Love na ni-record nila sa GMA Records.

Si Nar Cabico ang sumalo sa number na iyun na maganda naman ang kinalabasan.

Bukod kay Nar, guests din sina Nico Antonio, Juan Miguel Severo, Alex Gonzaga, Jay Durias, Nyoy Volante, Carlo Aquino, Jerald Napoles, Kim Molina, JK Labajo kasama ang kanyang Juan Karlos band, at si Alden Richards na may pinakamalakas na tili mula sa audience.

Riot ang participation ni Alex kasama si Jennylyn Mercado.

Bentang-benta ang ABS-CBN franchise renewal jokes niya, dahil naka-red siya, naka-green si Jennylyn. Tinanong niya si Jen kung naka-blue ba si Dennis para kakulay na raw nila ang ABS-CBN logo.

Kinantahan siya ni Jennylyn ng “Kapuso, makulay ang buhay…” sinita siya ni Alex dahil namumroblema na nga raw sila.

Ang saya rin ng Rak of Aegis number ng magkasintahang Jerald at Kim. Pati ang duet nina Nyoy at Dennis na sinabayan pa niyang drums.

Gustung-gusto rin namin ang Buwan ni JK na parang inspired na inspired siya sa pagkanta nito uli.

Kaya ang saya nina Dennis at Jennylyn dahil nakita nilang nag-enjoy ang audience.

Sabi ni Jennylyn sa amin nang nilapitan namin sila sa stage pagkatapos ng concert, may sakit pa raw siya kaya kabado raw siya nung una.

Pero nung pa-chapter 2 na sila kampante na sila, lalo na si Dennis na bagay sa boses niya ang mga kinanta nito.

Marami rin ang nakapansin sa isang paru-paro na lipad nang lipad sa harapan ng stage.

Binanggit namin iyun kay Jennylyn at sure daw siyang si Mommy Lydia iyun na tiyak na­ming masayang-masaya para sa kanya.

Gabby masaya sa pana-panahong projects

Prinomote na ng cast ng Madrasta ang kanilang huling linggo ngayon.

Papalitan na ito ng Bilangin ang Bituin sa Langit na susunod sa Prima Donnas.

Isa sa excited dito ay ang magaling ding aktor na si Gabby Eigenmann.

 “Excited ako kasi hindi ako kontrabida rito at may tsansa na maawa sa akin ang tao.

“Kasi sanay na sanay na ako magkontrabida eh,” bulalas ni Gabby.

Proud si Gabby sa mga binibigay sa kanya ng GMA 7, kahit hindi na siya nabibigyan ng bida role.

Hindi naman daw siya naiinip na hindi na nasundan ang magandang project na pagbibidahan niya. Pero lagi naman siya nabibigyan ng project kahit hindi lead role.

“Pana-panahon kasi yan eh. Hindi lagi sunud-sunod. I mean, marami pa naman akong kaila­ngang gawin. Marami pa akong kailangang matutunan. Marami pa akong gustong gawin.

“Time will come. I’m still here eh.

“Pero if there’s no offer, why force it?

“”Kasi, I cannot demand na gusto ko gawin to, ibigay niyo to sa akin.

“Kaya natutuwa ako kasi ang laki naman ng tiwala ng GMA sa akin eh. When it comes to soap.

“Natutuwa ako kasi ‘pag nakaisip sila ng cha­racter, kunin niyo ito,” pahayag ni Gabby.

DENNIS TRILLO JENNYLYN MERCADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with