Pagbabalik ng The Voice Teens, inabangan sa TV at online
(Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Agad na umarangkada sa nationwide ratings ang pagbabalik ng The Voice Teens tampok ang reunion ng coaches na sina Apl.de.ap, Sarah Geronimo, Bamboo at Lea Salonga sa pagsisimula ng blind auditions noong weekend.

Muling inabangan ang asaran at agawan ng coaches para sa mga teen artist, kung kaya’t nagkamit ang The Voice Teen” ng national TV rating na 28.9% at tinalo ang Daddy’s Gurl na nakakuha lang ng 15.7% noong Sabado (Pebrero 8), ayon sa datos ng Kantar Media.

Sa pagtatapos ng unang yugto ng blind auditions, nasungkit ng Team Apl ang kauna-unahang four-chair turner ng season na si Matt Reyes at si Yang-yang Aloya na mula sa Batangas.

Dalawang binatang balladeer ang nakuha ng Team Sarah na sina Jay Garche at Andre Eusebio, habang dalawang dalaga naman ang napabilang sa Kamp Kawayan na sina Ysa Jison at AJ Yape.

Tagumpay rin ang FamiLea nang makuha nito ang biriterang four-chair turner na si Pia Banga, matapos gamitin ni coach Apl laban kay coach Sarah ang unang Block sa bagong season ng talent-reality competition.

Ipinakikilala sa bagong season ang Block Button, na binibigyan ng kapangyarihan ang coaches na hadlangan ang isang kapwa coach na mapili ng isang teen ar­tist. Maaari pa ring mabawi ng na-block na coaches ang kanilang mga gustong artist sa patuloy na paggamit ng “steal deals” sa susunod na rounds.

Samantala, libu-libong viewers ang live na tumutok sa The Voice Teens Facebook page at YouTube channel nito. 

Sa Twitter naman, pinag-usapan at nag-trend sa buong mundo ang hashtags na #VoiceTeens2 at #VoiceTeensPowerUp, pati na ang Super FamiLEA, Bamboo, The Voice Teens, Blocked, Coach Sarah Team Tala, at Coach Lea noong weekend.

Patuloy na subaybayan ang The Voice Teens, sa pangunguna ng hosts na sina Alex Gonzaga at Luis Manzano, tuwing Sabado at Linggo sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

THE VOICE TEENS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with