Ivana
Ivana aminadong marami nang pinaghihiwalay na mag-jowa
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - February 15, 2020 - 12:00am

Marami talagang kalalakihang followers si Ivana Alawi sa social media. Maraming magkarelasyon umano ang nagkakaroon ng tampuhan dahil sa sexy photos ng aktres sa kanyang Instagram account. “’Yung jowa daw nila kasi, they’re saving my photos. Sabi ko, ‘Guys, huwag na kayong magse-save ng photos ko para hindi na kayo mag-break,” natatawang pahayag ni Ivana.

Hindi raw inakala ng sexy actress na papatok sa netizens ang kanyang mga videos sa sariling YouTube channel.

Mahigit apat na milyon na ngayon ang subscribers ng dalaga. “When I started it, I had no intentions of it going big or anything. I was just doing it for fun because I was going abroad and I just wanted to keep in touch with some of my fans. Naglaba lang ako and everything, then biglang paggi­sing ko, ‘Wow! Gusto nila ‘yung maglaba ako,” kwento niya.

Magbibida si Ivana sa teleseryeng Ligaya ng ABS-CBN.

Umaasa ang dalaga na tatangkilin din siya ng mga manonood bilang isang aktres. “I want to show also my acting side. There’s more than ‘yung sexiness, image, ‘yung pagpapakita ko ng skin, ‘yung pagiging huba­dera ko,” pagtatapos ng sexy actress.

Nathalie, wala nang love sa tatay ng anak

Kahit nagkahiwalay na ay nanatili namang magkaibigan si Na­thalie Hart at ang dating kasintahan na si Mayank Sharma. Nagkaroon ng isang anak na babae ang aktres sa Indian national. “Okay naman kami, we’re friends. We talk every day. We video call every day. It took me a lot of time to understand the situation. Siyempre masyado akong madrama no’ng time na ‘yon. Pero no’ng inamin ko na wala na kami, parang it’s a release, na parang it was so tiring for me to pretend,” makahulugang pahayag ni Nathalie.

Isang taon na ngayon ang anak ng dating magkasintahan na si Penelope. Bilang isang ama ay responsable naman umano si Mayank ayon sa sexy actress. “Great father to our daughter. Wala kaming problema. The only problem lang talaga is it’s hard for him to see his daughter kasi he has to come here. Ang layu-layo ng India. So it’s very difficult for him. Nandito siya no’ng birthday ng anak namin, so walang problema,” pagbabahagi ng aktres.

Aminado si Nathalie na mayroon pa rin silang nararamdaman na pagmamahal sa isa’t isa ng dating nobyo. “Of course may love, iba ‘yung love. Hindi mo mahahanap ‘yon sa ibang tao kasi you share daughter together. So iba ‘yon, iba ‘yung tingin mo sa kanya. Pero ‘yung tipong romance together, wala kaming gano’n. Wala kaming gano’n ngayon. Walang romance, pero ‘yung love, hindi mawawala ‘yon,” paliwanag niya. (Reports from JCC)   

IVANA ALAWI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with