"Welcome to this world Little Booba. Charot!" sabi niya sa Twitter ngayong Biyernes.
Mula sa Twitter at Instagram ni Ethel Booba
'Little Booba': Ethel Booba ipinanganak ang unang baby sa edad na 43
James Relativo (Philstar.com) - February 14, 2020 - 7:23pm

MANILA, Philippines — Iniluwal na ng komedyante at tinaguriang "Twitter Goddess" ang kanyang unang anak sa kanyang jowa na si Jessie Salazar, pagbabahagi niya ngayong Valentine's Day.

"Welcome to this world Little Booba. Charot!" sabi niya sa Twitter ngayong Biyernes.

Matatandaang Nobyembre 2019 nang ibahagi niya na nagdadalang-tao siya.

"Eto na nga. Oo. Six months [pregnant ako]," sambit niya habang naluluha sa tawa sa kalagitnaan ng pagpapalabas ng "It's Showtime."

Ilang araw pa lang ang nakalilipas noon nang itanghal din si Ethel bilang "Tawag ng Tanghalan" celebrity champion nang mapagtagumpayan niya ang grand finals.

Una na niyang sinabi sa panayam ng "Magandang Buhay" na isinikreto muna niya kay Jessie ang kanyang pagbubuntis, kahit nang lumalaban na sa "Tawag ng Tanghalan."

"Baka mamaya ma-ano sila na, 'Ay sasali ka pa ba talaga? Baka biglang mamaya duguin ka,'" paliwanag niya.

Dati nang ikwinento ni Ethel na nakilala niya si Jessie nang pumunta siya sa isang party habang pinapahupa ang baha na noo'y rumaragasa sa kanilang condominium unit: "Pinagtagpo talaga kami ng baha," sabi niya.

"Ang hirap nang ma-detach, parang gusto mo na siya laging kasama."

BABY ETHEL BOOBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with