Mga pinoy likas na matibay...
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - February 14, 2020 - 12:00am

Medyo toxic ngayon ang paligid ha.

May isyu sa pagbawi ng VFA, baka hindi ma-renew ang  franchise ng ABS-CBN, may coronavirus na ngayon ay covid-19 na ang tawag at may travel ban.

Parang ang dami-daming nangyayari na sabay-sabay at hindi mo na alam kung ano ang uunahin mong haharapin.

Kaloka na sinabayan pa ng eruption ng Taal.

Wow, kundi siguro matibay ang mga Pilipino baka lugmok na tayo. Kung minsan nga dahil sa likas na happy go lucky attitude natin, ginagawa pa natin comedy ang mga sitwasyon.

Hay naku, kung minsan kasi, OA din ang mga balita na para bang hayan na lagot kayo ang dating, para bang sa halip makatulong lalo pang gumugulo.

Tulad nung nagalit ang Taiwan nang isali sila sa travel ban kaya hindi mo na alam kung ano ang gagawin dahil paiba-iba ang news.

Talagang diyan mo hahangaan mga Pilipino, nakakaya natin ang matitinding sitwasyon na ok  lang.

Kaya ang pinaka-magandang gawin ay huwag mag panic, relax lang at mag-pray.

Claudine nakakabilib!

Meron isang fan si Claudine Barretto na parating may comment sa IG ko. At ang laging comment niya, binibira ko raw lagi si Claudine.

But I stand corrected dahil parang wala naman akong matandaan na insidente na nagsalita o nagsulat ako ng kahit anong ikasisira ni Claudine.

In fact, I like her personally dahil magalang siya at mabait sa tuwing nakikita ko siya. Gusto ko iyong advocacy niya na nag-a-adopt ng mga bata, na sana nga ay matulungan niya sa proseso para mapadali ang adoption ng ibang mga gustong mag-ampon na sinasabi ng iba na sa sobra raw tagal ng proseso bago mo pa ma-adopt ang sanggol, halos malaki na ito.

Siguro ang sinasabi ng fan ang madalas na balita na inihahatid namin sa Take It... Per Minute! (Me Ganun), kadalasan meron magti-tip ng balita at nagbibigay komento kaming tatlo nila Cristy at Mr. Fu. Medyo admitted ako na kung minsan off key iyon nabibigay kong lines, pero personally I like Claudine.

Mabait siya at magalang pag nakikita ko, para rin sina Marjorie at Gretchen. Now, kung meron akong offensive na nasabi, mea culpa. Pero sure ako na nasabi ko iyon ng walang malisya o masamang intention, iyon lang ang feeling ko that moment dun sa ibinalita pero after that, wala na.

Continue with your advocacy Claudine, tulungan mo iyon mga bata at mga gustong mag-adopt. It is a noble cause. 

Luke at Dessa walang pinipiling oras

Napatunayan ko nang maging guests natin Salve sa Take It... Per Minute!(Me Ganun) sina Luke Mejares at Dessa, Salve na talagang pag maganda ang boses mo, kahit anong oras at biglaan, puwede mo talagang pakantahin. At birit kung birit.

Natulala na ako nang kumanta sina Pilita Corrales at Eva Eugenio two weeks ago sa Take It... At naloka ako sa taas ng boses ni Dessa at lamig ng rendition ni Luke last Tuesday.

Grabe ha, parang gusto ko nang maging musical ang Take It... Per Minute! (Me Ganun) dahil sa mga narinig kong boses nina Pilita, Eva, Dessa at Luke.

Puwede ba musical na lang tayo Salve, hah hah. Marami rin naman tsismis sa buhay ng mga singer di bah? Joke joke joke. 

Basta lagi kayong manood every Tuesday ng Take It... dahil marami pa kaming mga nakakaaliw na kuwento at blind items. Hahaha.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with