Nora lagi pa ring may asthma!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2020 - 12:00am

Bago ako tumuloy sa media conference ng Bilangin ang Bituin sa Langit dumaan muna ako sa Annabel’s restaurant para sa contract signing ni Christopher de Leon sa Beautederm ni Ms. Rhea Tan at nabanggit namin kay Boyet na dideretso na kami sa mediacon ni Nora Aunor ng Bilangin ang Bituin sa Langit na magsisimula na sa February 24. “Ikumusta mo ako sa kanya,” nakangiting pakli ni Boyet sa akin. “Tingnan mo kung ano ang reaksyon niya,” nakakaintrigang sabi sa akin ng aktor.

Hindi ko naman nabanggit iyun kay Nora pagkatapos ng open forum ng mediacon dahil nagmamadali na itong umalis. Pinagbigyan lang kami ng sandaling interview sa pagdala niya ng mga relief goods sa Agoncillo, Batangas.

Tinanong namin sa kanya kung naiparating ba nila kay Cong. Vilma Santos-Recto ito? “Ay hindi ko po alam,” nakangiti lang niyang sagot.

Nagpasalamat din ang original Superstar sa GMA 7 dahil sa hindi siya pinababayaan, meron laging magandang project na ibinigay sa kanya. Excited siya rito sa Bilangin ang Bituin sa Langit dahil isa ito sa  mga classic films na nagawa niya. Hindi naman daw ito malayung-malayo sa nagawa niyang pelikulang dinirek ni direk Elwood Perez.

Dito na rin nilinaw ni Ate Guy na kahit inaatake siya ng asthma, hindi niya dini-delay ang taping. Sabi nga ni direk Laurice Guillen, dito siya napapabilib sa propesyonalismo ni Ate Guy dahil kahit nakikita raw niyang nahihirapan ito sa asthma, tinutuloy pa rin niya ang eksena at hindi kina-cut ang sarili. “Kahit na masama ang pakiramdam ko, talagang nagti-taping ako. Hindi ako nali-late,” depensa ni Ate Guy.

Alden pinag-iinteresan ng bagong Regal baby

Nakaw-eksena sa mediacon kahapon ng Regal Films na Us Again ang blogger at bagong Regal baby na si Sarah Edwards. Ang ganda niya at ang lakas ng dating na puwede talaga siyang pasikatin ni Mother Lily Monteverde. Three years ago pa pala siya kinukumbinse ni Roselle Monteverde na mag-artista pero nagkaroon siya ng tsansang magtrabaho sa isang media group sa South Korea na kung saan nagi-interview siya roon ng mga K Pop superstars.

Two years siya roon, at pagbalik niya rito saka niya hinarap uli ang showbiz.

First movie niya sa Regal itong Us Again na pinagbidahan nina Jane Oineza at RK Bagatsing. Tinanong namin siya na kung sakaling bigyan siya ng chance ni Mother Lily na magbida sa isang remake ng mga classic films ng Regal, keri kaya niyang isuot ang magic kamison ni Mother, na ibig sabihin ay magpaka-daring siya? “I think we’ll get there someday. But for now, siguro po more practice…parang nakakabigla po yata kung biglang daring,”  sagot niya sa amin.

Si Alden Richards ang unang pumasok sa isip niya nang tinanong ko uli kung sino ang gusto niyang makatambal sa kanyang pelikula. Pareho raw silang mahilig maglaro ng Mobile Legends kaya magi-enjoy na pag-usapan ‘yun kung sakali.  “One time, the most recent MPL, dumating po siya, and I was so starstruck po nang makita ko siya. Napakaguwapo niya po in person at nagpa-picture po ako, ang bait bait niya po.  Na-imagine ko rin po na kung maka-work ko siya, it’s going to be a really easy to work with someone like him,” saad ni Sarah. Malay nga natin baka bumagay ang tambalang Alden Richards and Sarah Edwards. Sa February 26 na pala ang showing ng Us Again na dinirek ni Joy Aquino.

NORA AUNOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with