^

PSN Showbiz

Sikat na aktor natikman ng sabay ang dalawang sikat na aktres

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Matagal na panahon na ang nakararaan ay naging karelasyon ng isang sikat at simpatikong male personality ang dalawang pamosong aktres. Nagpang-abot sila sa lalaking personalidad.

May boyfriend nu’n si Actress A, pero kinarelasyon pa rin niya ang male personality, palaging patago siyempre ang kanilang pagtatagpo.

Si Actress B naman ay walang karelasyon nu’ng mga panahong ‘yun, libre ang magandang personalidad, nakasabayan nito sa male personality si Actress A.

Kuwento ng aming source, “Siyempre, inaalagaan nu’ng male personality ang schedule niya. Hindi puwedeng magtagpo ang dalawang kulukadidang niya sa condo unit na inuupahan niya!

“Kung si Actress A ang nandu’n, ang alam ni Actress B, e, may shooting o taping siya! Kampante si Actress B, walang kaduda-dudang nandu’n pala sa unit ni male personality ang sumisingit na si Actress A!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Natural, kapag oras naman ni Actress B ay ganu’n din ang alam ni Actress A, busy ang male personality sa trabaho. Nandu’n muna siya sa kanyang boyfriend na parang mahina ang pang-amoy dahil wala itong nararamdamang may kulukadidang si Actress A.

Balik-kuwento ng aming source, “Lundag na agad tayo sa hiwalayan blues ni male personality at ni Actress B. May nadiskubre kasi ang female persona­lity nu’ng nandu’n na sila sa condo.

“Binuksan niya ang cabinet sa room, may nakita siyang dress na tandang-tanda niya kung kanino dahil a day before, napanood niya ang interview ng may suot nu’n!

“Hindi siya puwedeng magkamali, si Actress A ang may-ari ng damit na ‘yun! Kinompronta ni Actress B ang male persona­ lity, ang kanyang sabi, ‘So, it’s true! Pinagsasabay mo pala kami!’

“Wala nang nagawa ang male personality, buking na siya ni Actress B, tumiwalag na siya sa relasyon, ‘Magsama na lang kayong dalawa!’ ang iniwanan niyang salita sa male persona­lity.

“Walang kaalam-alam si Actress B na sinadyang iwanan ni Actress A ang damit niya sa condo unit. Ganu’n kalukring si Actress A, mapag-trip siya, maramot siya!

“Meron na nga siyang boyfriend, e, gusto pa rin niyang sarilinin ang male personality na super-charming naman kasi at simpatiko! Masarap talaga siyang hampasin ng bareta!

“Talagang ganyan na siya kahit nu’n pa, mahilig siyang mamangka sa dalawang ilog!” nakairap na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Lotlot pumalag sa kuwento ni Pilita

“Who do you think you are? ‘Yan ang bitaw mo? Ako kaya ang magsabi who I think you are?” ‘yun ang unang arya ni Lotlot de Leon sa kanyang FB.

Ang ikalawa niyang hirit, “Mabuti na lang at marunong akong rumespeto sa matanda! Pero minsan lang talaga, may mga matanda na hindi karespe-respeto at walang pinagkatandaan!”

Mahaba ang litanya ni Lotlot, wala siyang binanggit na pangalan kung sino ang kanyang tinutukoy, pero kahit bulag at bingi naman ay makakalaam na ang kanyang pinari­ringgan ay ang kanyang dating biyenan na si Ms. Pilita Corrales.

Nag-ugat ang lahat sa interview ng beteranang singer sa digital show na Take It, Per Minute... Me Ganu’n. Marami kaming napagkuwentuhan ni Tita Pilita, pero sa kanyang pag-upo pa lang ay ikinuwento na ng singer kay Manay Lolit Solis na sinita-pinagalitan nito ang kanyang apong si Janine Gutierrez na nagsalita nu‘n nang kontra sa alaga ni Manay Lolit na si Senador Bong Revilla, du’n nagsimula ang litanyang “Who do you think you are?”     

Ayon sa post ni Lotlot ay sinunga­ling si Tita Pilita dahil never daw naman nitong pinagalitan si Janine, imbento lang daw ng kanyang dating biyenan ang senaryo, wala raw ganu’ng naganap.                  

“I never said anything in many years, this might be the first! Don’t push me!” emosyonal pang banta ni Lotlot.

Ang punto ni Lotlot ay hindi raw dapat naglalaglagan ang magkakapamilya, respeto raw ang kailangang pinaiiral, “I will always protect my family no matter what it takes!” sabi pa ni Balot.

Maraming nagtataka kung paano naman iimbentuhin lang ng mommy ni Monching ang kanyang mga sinabi sa TIPMMG. Hindi naman ang singer ang nagpasimula ng paksa, sumagot lang ito sa mga tanong namin nina Manay Lolit at Mr. Fu.

Hindi rin nagustuhan ng ating mga kaba­bayan ang matulis na pananalita ni Lotlot, sa edad na lang daw ng kanyang dating biyenan, dapat ay pinairal ni Lotlot ang sinasabi niyang respeto.

Kunsabagay, ano LANG ba naman kasi ni Lotlot de Leon si Tita Pilita, biyenan LANG. Lola LANG ng kanyang mga anak.

Komento ng kaibigan naming propesor na napaangat sa kanyang upuan nang mabasa ang FB post ni Lotlot, “Sino ba si Nora Aunor sa buhay niya? Si Nora ang umampon at nagtu­ring sa kanya na sariling anak. Inalagaan siya, pinag-aral, pero binibigyan ba niya ng respeto at importansiya si Nora Aunor?”

vuukle comment

LOTLOT DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with