^

APL, Sarah, Bamboo, at Lea, nagbabalik

(Pilipino Star Ngayon) - February 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling magsasama-sama ang orihinal na celebrity coaches ng The Voice na sina Apl.de.ap, Sarah Geronimo, Bamboo at Lea Salonga para labanan ang isa’t isa at pag-agawan ang kampeonato sa bagong season ng The Voice Teens na magsisimula na ngayong weekend (Pebrero 8 at 9).

Bukod sa reunion nila, mas magiging exciting din ang bagong season dahil sa Block Button, na bibigyan ng kapangyarihan ang coaches na hadlangan ang isang kapwa coach na mapili ng isang teen artist.

Magkakabisa lang ang paggamit ng Block Button kapag ang coach na ginamitan nito ay iikot para sa isang artist. Sa pag-ikot ng coach, doon lamang makikita ng lahat na na-block siya ng kalabang coach.

Bawat isa kina Apl.de.ap, Sarah, Bamboo, at Lea ay may dalawang pagkakataong gamitin ang Block Button sa kabuuan ng blind auditions.

Siksik pa rin sa talento at puso ang bagong season dahil sa Pinoy at foreign artists na magpapakitang gilas ng kanilang talento at magbabahagi ng kanilang mga pangarap at kwento sa buong mundo sa tulong ng hosts na sina Alex Gonzaga at Luis Manzano.

Maaari ring manood ng mas marami pang sorpresa sa online show, ang Voice Teens Digi­TV, sa The Voice Teens Philippines channel sa YouTube kasama ang hosts na sina The Voice Teens Season 1 alumnus Jere­my Glinoga at ang online sensation na si KaladKaren.

THE VOICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with